SUBUKAN NATIN

3.2K 55 3
                                    

“SUBUKAN NATIN”

Matagal na po tong nangyari pero until now, weird pa rin para sa akin. Hindi naman to nakakatakot pero di ko po alam kung anong meaning nito. Kaya po sa mga readers natin, if may idea po kayo, I'll be reading your comments po. Thank you in advance!

Mabarkada po akong tao. Very curious pong babae. So eto na nga, may friend akong lalake na very close ko po talaga. Nag-usap kaming dalawa isang araw. Napunta lang yung topic namin kung saan- saan hanggang sa na-bring up ko yung about sa *thing*. Hindi ko pa po yun nata-try.

Nagtanong ako ano ang feeling, etc., ganon. Tapos sabi ko sa kanya "What if i-try natin? Kaysa kung sino lang gawin kong partner, ikaw na lang..." Take note po, wala po kaming feelings sa isa't isa. Sabi niya pag-isipan ko raw muna if ready na ako kasi nga first time.

So, etong guy, na tawagin nating Phil, e may ka-on-and-off na girlfriend. So sabi ko, pag nag-break na sila ni Elle (yung on-and-off niyang gf) saka namin gawin.

Yun nga, after a few months, nag-break na sila. Siguro naghahanap din siya ng par*ûsan, tinext niya ako, ako naman go lang.

N*ngyari na nga ang pinlano namin. Pagtapos nun, parang wala lang, ganon. Kaso, ako tong na-excite kasi nga 1st time, na-i-share ko sa friend kong si Jas. Kaming lahat dito ay nasa isang circle of friends. Pero, si Elle ang hindi ko close which is ex-girlfriend na ni Phil.

After a few days, nagbalikan sila Elle at Phil. So, matic na yun na secret na naming tatlo nila Jas at Phil yung nangyari.

Ilang taon ang lumipas ay wala na kaming communication magbabarkada. Until nabalitaan na lang naming p*tay na si Phil. Dun lang kami nagkita-kita sa burol at lamay niya. Tapos, nalaman namin na hanggang sa mga panahong yun ay sila pa rin pala ni Elle.

A few weeks after ng libing ni Phil, nag-inuman kami nun ng iba ko pang tropa. Biglang may tumawag na unknown number. Sinagot ko and nagtanong ako kung sino siya, sabi si Jas daw.

Alas dos na ng madaling araw yun. Nagtaka ako kaya kinausap ko siya. Sabi ko bakit siya napatawag, kinuwento niya na napanaginipan daw niya si Phil. Nagpasabi raw si Phil sa kanya na dapat malaman ni Elle yung ginawa namin, kung hindi, mam*m*tay daw ako. Ako naman tong nakainom, e di ko na inisip yun.

Akala ko yun na yun. Pero one day, may nag-popup na message sa Messenger ko, yung old GC naming magbabarkada. Si Elle. Sabi niya,

"Napanaginipan ko si *ako*, nakaputi daw siya at nasa kaba0ng..." (nakalimutan ko na yung exact words pero the idea is p*tây na raw ako)

Hindi ko pa rin pinansin pero kinakabahan na ako nun, dalawa na silang nagkapanaginip na p*tây na ako. All these years, akala ko nalaman na ni Elle yung ginawa namin ni Phil. Sabi ko baka nagkataon lang, pero tumawag na naman si Jas sa akin, sabi niya naulit daw yung panaginip niya.

Doon na ako sobrang kinabahan kasi nangungulit na ata si Phil. Wala akong choice kundi kausapin si Elle. Pinuntahan ko sila ni Jas, nag-usap kaming tatlo. Gulat na gulat si Elle sa sinabi ko kasi sobrang tagal na nangyari yun pero wala raw talaga siyang naging idea na magagawa namin yun ni Phil. Alam kong naramdaman niyang parang na-betray siya pero na-feel ko ring na-satisfy yung curiousity niya sa dream niya about sa akin.

Ang pinagtataka ko lang talaga, bakit hindi ko napaniginipan si Phil? Pero, wala rin sigurong may alam ng sagot. Basta kung saan man si Phil ngayon, sana at peace na siya.





📜FEU Secret Files
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now