True Nightmare

409 5 0
                                    

True Nightmare

Good eve, Spookify Readers! I hope this gets posted, I'm sure many can relate.

I'm Mae, not my real name. I'm an accountancy student sa umaga at call center agent. Title pa lang, give away na yung story, but I want to share this horrifying experience I had.

As a working student, I was almost sleep deprived. Sabi nila, sleep deprivation is one way to increase the subconscious mind's activity, so I've always had high sensitivity when it comes to supernatural. Di na bago sakin ang sleep paralysis. In fact, sanay na ako to the point na alam ko when it might happen, which is normally when I'm awake for 24 hours straight and I go to bed extremely exhausted. This was exactly my state when this happened.

Sleeping quarters, 2AM. Lunch break ko, which is the only time for me to sleep that day. Double deck ang style ng mga bed at sa baba ako nahiga. Pagkahiga ko pa lang, humiwalay na agad ang diwa ko. Hindi pa ako nakakahimbing ng tulog, gumapang na ang lamig sa balikat ko kasunod ng pagcramps ng legs ko. "Tsk, eto na. Either babangungutin ako or sleep paralysis," naisip ko. Malas ko kasi nangyari yung pangalawa.

Dumilat ako pero aside from my eyeballs, wala akong maigalaw na part ng katawan and very vividly, kita ko ang kabuuan ng quarters. Dim light. I could even hear the snoring of some pero natigil ang paningin ko sa may paanan ko, kasi directly looking at me ay isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok na nakacover halos sa kanyang mukha. Hindi ko kita ang itsura nya dahil dito, pero kita kong parang may mga pulang latay sya sa braso.

Bumilis ang paghinga ko, to the point na hinihingal na ako. Usually sa sleep paralysis, peripheral vision lang ang view ng mga nagpapakita. First time ko itong makaface to face. It made me think, maybe I was not on sleep paralysis. I shut my eyes and recited a prayer. I know well enough not to recite a memorized prayer, so I only just mostly called Jesus' name.

It gave me strength and true enough, I was out of the paralysis na cause pala ng takot instead of sleeping. Tumakbo akong papalabas ng quarters, naiwan ko pa yumg shoes ko which binalikan ko na lang nung dumating na yung friend ko para may kasama ako.

The next day, pagod ako sa class again, so I had no choice kundi bumawi ng sleep during my lunch break pero this time. Nawala na sa isip ko yung na-experience ko. Wala pa sigurong 5 minutes, nagising na naman ako sa pangingilabot at pagdilat ko, lo and behold, nasa paanan ko na naman yung babaeng nakaputi! Except this time, I already know na wala ako sa paralysis.

I went under the covers and recited a prayer again, hoping na mapaalis yung babae. But no. Naaaninag ko yung shadow nya na naglalakad sya sa gilid ko, papunta saking mukha! Bago pa sya makarating, bumangon ako sa kabilang side ng kama at mabilis na tumakbo.

"Shet, bakit parang ayaw akong patulugin ni ateng mumu?"

Ilang beses pang naulit sakin ang karanasan na yon. Every time I had to run out sa takot. Kulang na kulang na ako sa tulog at halos magkasakit na ko. Then one night, exam week, my body is at its limit. Like usual, I tried sleeping sa quarters during my lunch time. Bahala na, antok na antok na ako. Di na to mapipigilan pa ng takot, kaya tapang tapangan pa rin akong natulog.

And just like a charm, for the first time in weeks, nakatulog ako ng mahimbing. I know because I could feel my body and muscles relax. Walang abalang mumu. Or so I thought.

I was in the middle of my sleep ng maramdaman kong may humaplos sa right part ng dibdib ko. Yes, it felt like nanghihipong manyak. It woke me right up and to my horror, there's actually a hand touching my breast!

The hand had a long slender arm and nung sinundan ko ng tingin, galing sa ilalim ng kama. What the hell?! Kapal ng mukha ng manyakis na ito! I was about to get up and confront the perv nang maramdaman kong may isang kamay pa ulit ang humawak naman sa kabila kong dibdib kaya napabagsak ako pabalik sa kama. Gaya nang nauna, mahaba at payat ang braso nito.

Dito na ako kinilabutan. Imagine merong nasa ilalim ng kama, imposibleng ganoon kahaba ang mga braso nya para maabot ako gamit ang pareho nyang mga kamay! I was still processing ang mga pangyayari when all of a sudden, apat na kamay pa ang nagsulputan at hinawakan ako sa magkabilang braso at mga hita. Tuluyan na akong hindi makabangon.

Sisigaw na sana ako sa takot pero isang kamay na naman ang sumulpot at tinakpan ang bibig ko! Naiiyak na ko sa takot at hindi na ako makahinga. Pumikit ako at nagdasal. Sa isip ko, paulit ulit akong nagdadasal. Kada bigkas ko ng pangalan ni Jesus, syang higpit ng pagkakahawak sakin ng mga kamay na tila ba nagagalit ito. Pero di ako tumigil hanggang maramdaman kong lumuluwag ang pagkakakapit sakin ng mga kamay.

When I felt that it was wrak enough, inipon ko ang lakas ko at mabilis na bumangon. That's when I woke up from the nightmare. Nagising akong umiiyak at habol pa rin ang hininga. Minabuti kong umalis na doon kaagad. After that incident, I had a chance to talk to my office friend about it. Matagal na sya dito sa company so alam nya ang mga kwento kwentong kababalaghan. Nginitian nya ako at sinabing...

"Kaya hindi ako natutulog sa quarters, kasi nagpakita na sakin yung babae. Actually, nakakatakot lang sya, pero harmless. Babala kasi yung babaeng multo. Pag nakita mo sya, dapat wag ka nang matulog sa quarters, pinapaalis ka na nya, ibig sabihin kasi nun, ikaw na yung susunod na target nung isa pa. Yung masamang elemento o kung anuman na nagpapakita sa quarters."

That made sense to me. Never ako sinaktan  nung babaeng multo. And such a coincidence na kung kelan hindi sya nagpakita ay sya namang pagkabangungot ko dun sa sinasabing masamang elemento.

As usual, once tapos na yung experience, I just shrugged it. I had no choice but to sleep, so tomorrow, I'm sure limot ko na ito. After all, hindi naman ako masasaktan ng bangungot, right?

I went home. I took off my clothes to change to my uniform and when I looked in the mirror, napa-What the hell ako ng malakas at habol hininga.

I had red marks on my arms and legs as if someone gripped me so hard na nagbruise ang mga ito.

End.
Mae



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now