Fiesta

61 1 0
                                    

Hello ulit.. Okay so currently nandito kami sa Lucban sa Palay Isdaan restaurant at naisipan ko mag share ulit..

Vocalist ako ng banda dati nung college ako and madalas kami maimbitahan sa mga pistahan para lumaban sa mga battle o kaya simpleng tugtugan lang na libre kain at alak.

2003 inimbita ako ng ex ko that time na anak ng mayor sa Romblon.. Sibuyan Island to be exact para tumugtog at maki pyesta. Libre pamasahe so go kami.. Dun kami nag stay sa isang bahay nila ex. Caretaker lang ang nandun at medyo malaki yung bahay.

Dumating yung araw ng fiesta, sobrang saya. Mostly cover songs ang tinugtog namin kaya lahat naka relate at naki jam. After ng tugtugan we decided na dun nalang sa bahay uminom at mag celebrate kasi yung likod ng bahay nila e beach na.

Dahil nga province eh 9pm palang wala nang tao sa labas and hindi pa uso doon ang streetlights. Ang ilaw lang is yung ilaw ng bahay which is maliwanag naman.

Now before I go to the scary part lemme just explain yung itsura ng lugar..

Umiinom kami sa terrace na malawak sa 2nd floor ng bahay. Sa kanan ng terrace kita mo yung gate at mismong kalsada. Hindi ganun kalayo yung terrace sa gate. Medyo madilim kasi nga walang ilaw pero somehow illuminated naman galing sa ilaw ng terrace so medyo kita mo yung kalsada.

Now, habang umiinom kami at nag kkwentuhan may nakita akong matandang naka kuba yung likod na naglalakad sa kalsada.. Sinundan ko ng tingin for some reason at nung tumapat na sya sa gate biglang dumirecho yung tindig nya as in from kuba biglang straight tapos bigla. Muntik na kong mahulog sa terrace sa gulat.. Pinagtawanan pa ko ng mga kabanda ko. Pero nung tinignan ko yung matanda andun pa din sya at naka ngisi sakin.. Hindi ngiti. Ngisi. kaya tinanong ko mga kasama ko kung nakikita nila...hindi daw.. Lasing lang daw ako. Pero nakaka isang bote palang ako ng beer nun kaya alam kong totoo nakikita ko. Nagpasama ako sa drummer namin (na pinaka malaki samin lahat) para babain yung matanda at baka merong kailangan..pero pagdating namin sa baba wala na yung matanda.. Asong itim na itim ang nasa gate at parang galit samin (buti nakasara yung gate) so naisip ko.. "Puta aswang ata to yare".

Natapos ang inuman namin, nagsipasok na kami sa kwarto.. Nasa isang kwarto kami ni ex tapos sa kabila yung mga kabanda ko at mga pakners nila.. Bandang madaling araw nakarinig ako ng "WAAAAKKK, WAAAAKKKKK" tapos parang may malapad na pakpak (yung tulad ng pagpag ng manok bago tumilaok pero malaking pakpak) sa bubong ng bahay. Ginising ko si ex kaya nadinig nya din.

Takbo kaming dalawa sa kabilang kwarto. Gising pala silang lahat at nagtataka din kung ano yung maingay na "WAAAAKKKK WAAAAKKK WAAAAKKKK" sa bubong. Maya maya nakarinig kami ng tumatawa, sa bubong pa din. Para kaming tinatakot at pinaglalaruan. Tumagal ng halos dalawang oras na ganun at takot na takot kaming lahat kaya wala ng natulog, inantay na namin mag umaga saka palang kami natulog.

Nung magising kami, nagkwento kami sa caretaker ng bahay. Sabi nya aswang nga daw yun pati yung nakita kong matanda. Hindi na daw bago yun sa kanila lalo at mga dayo kami. So ang ginawa nya pagpatak ng 6pm nagsaboy sya ng asin sa pinto, bintana at sa bubong ng bahay. Hindi na kami nakaranas ng aswang after nun.



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now