Pumunta si Papa sa sariling Burol nya

117 2 0
                                    

Pumunta si Papa sa sariling Burol nya...

May 10, 2014 ng bawiin na ni God sa Amin Ang Papa ko... Nadiagnosed sya ng lung cancer at the age of 42, pag ka diagnosed stage 4 agad tapos binigyan sya Ng taning na 3months nalang Ang itatagal nya.
Nung date na ito around 7pm habang kumakain c Papa ay parang nabilaokan lang SYA tapos sumuka SYA Ng dugo Hanggang sa derederecho na Ang pagsuka nya Ng dugo na buhay puro buo Ang lumalabas until sa nalagutan na sya Ng hininga... Yung bed nya akala mo pinag katayan Ng baboy sa Dami Ng nagkalat na dugo.. At don na natapos Ang paghihirap ni Papa..

So fast forward don namin sya ibinurol sa bahay Ng Lola ko kasi si Papa Ang gumawa Ng mala mansyon nyang bahay, 10 rooms to be exact Kasi 10 sila magkakapatid. Kapag Araw halos kami lang tao Doon sa Burol nya minsan nga kami lang Ng anak ko, mga Tito at tita namin Kasi busy sila pag Araw kanya kanyang work.

Hindi ko matandaan kung pang 3rd day yon Ng burol or Anong day Kasi sobrang tagal Nadin Basta Yung araw na yon ako ung nagbabantay Kay Papa saka anak ko si Mama at Isang Tita ko NASA loob since Ang kabaong ni Papa sa terrace nakalagay. Mga 2pm un Ng hapon nilampaso ko ung sahig na tiles don sa harap Ng kabaong ni Papa nilock ko ung gate sabay pumasok ako sa loob para kumuha Ng pagkain. Pagbalik ko nagulat ako Kasi may footprints Ng dugo 👣 Mula sa gate kung saan nag start Yung tiles Hanggang sa harap Ng kabaong ni Papa(kung iimaginin mo Yung may Ari Ng  yapak ay sumilip sa kabaong) tinignan ko nakalock Naman ung gate, Wala din ibang taong dumating pumasok ako sa loob nilibot ko Ang bahay Wala talagang ibang taong dumating na maputik or may dugo Ang paa.
Tinanong ko din sila mama Wala din sila Nakita. Sabi nila baka aso lang daw may sugat Ang paa,or may pumasok lang ba maputik Ang paa pero impossible talaga...
Natakot ako non at sobrang nagtataka kung kanino ba yon.

May narinig ako na sabi sabi Ng matatanda (di ko lang Po alam kung totoo ha)
Pangatlong Araw ba un(or pang ilang days di ko na talaga tanda Basta same un sa bilang Ng Araw na nangyari ito)...
sa bilang Ng Araw na un  saka lang daw malalaman Ng [kaluluwa] namatay na patay na sya, saka nya lang makikita Ang sarili nya na NASA kabaong na.

Kaya Ang tanging NASA isip ko non, na si Papa yon, Kay Papa Yung footprints na yon na may dugo dahil namatay syang naliligo sa sarili nyang dugo. Pumunta si Papa sa sarili nyang burol.

Pag naapprove Po ito may ishare pa ako Yung mga pagpaparamdam ni Papa after nya ilibing

#Ltapreal

Mula sa kwento ng pag punta ni Papa sa Burol nya...
Ang ikukwento ko naman ay pagpaparamdam ni Papa matapos SYA ilibing...

Disclaimer:
Maari may nakakilala sakin dito personally di ko intent na sirain image Ng family Ng Papa ko ha, magkukwento lamang ako sa pawang katotohanan Ng mga pangyayari.. Di bale di Naman ito mahaba..

So ayon nga Ang father side ko Kasi is Hindi sila naniniwala sa mga kasabihan,pamahiin because of their religion (bahala na kayo mag isip Po but I respect that,choice nila yon).
Ako Kasi lumaki sa side ni Mama na mga catholic kaya contradicting talaga mga paniniwala namin..

Nung nakaburol si Papa sa house Ng Lola ko lahat Ng pamahiin na break as in..
Don naliligo sa bahay na un Ang mga tao na nakatira don,nagwawalis,naglilinis sa Burol..
Nanunuod Ng tv, inuuwi mga food na sobra sa pakain etc.

Ang Hindi ko kinaya last night Ng burol nya super Dami pa Ng mga kukutin na pagkain,asukal kape tinapay biscuits mga donations yon.. Kami Ng kapatid ko pinapalabas na namin lahat Ng pagkain since last night na nga need na ipaubos,. Yung Lola at mga tita ko Naman nagagalit bakit daw lahat e inilalabas so syempre kami since bahay nila yon at nakiki ano lang kami e sunod nalang.

Kinabukasan natapos na Ang libing ni Papa Yung dalawang malaking kandila na ginamit sa Burol nya na isinasama Nung mga tga funeraria sa ibabaw ng kabaong ni Papa ay kinuha Ng kapatid nyang lalaki..
sabi "sayang to magagamit pa pag brownout"🥹 so ayon inuwi nya..

Yung mga food juice na ipinamigay biscuits Ang Dami din natira ipinauwi lahat Ng Lola ko sa bahay nya, at pagkauwi nmin sa bahay ni Lola super Dami pa pala talagang mga pagkain at kape na naiwan nakakaloka talaga sabi ko ay bakit di nyo pa ho iyan pinaubos masama daw Po Yan dapat Yan ay ipapamigay na.. Umismid lang Ang Lola ko sabay talikod.

Natulog pa kami Ng Isang Gabi Doon pagkalibing ni Papa,so puyat Ang lahat maaga nagsitulog... Kinabukasan nagulat kaming lahat Kasi Yung malalaking Kape nagkalat sa tiles as in parang iwinasiwas dumikit na nga sa sahig apat na kape Yung nabuksan . Yung way na pag open Yung Malaki na binuksan talaga Ng tao. Yung mga balot Ng kape NASA sahig din...

Since Ang mga tita Tito Lola ko nga ay di naniniwala sa mga pamahiin at multo sabi lang nila baka pusa lang Yan Ang nagkalat nyan.

Hindi din sila dumadalaw sa patay na kamag anak,Kasi once nailibing nadaw Hindi nadaw SYA yon...
Pero kaming magkakapatid whenever we get the chance pumupunta kami Kay Papa sa sementeryo Hindi nlang namin pinapaalam sa kanila Kasi pinagagalitan kami....Naiwan Nadin Kasi Si Papa sa Lugar nya kami NASA City na....

(pic taken last August Nung may pinuntahan kami Ng Asawa ko sa province dumaan Muna kami sa kanya... btw Lola ko yung NASA tabi ni Papa)

ito Po Yung link Ng unang post ko..

https://m.facebook.com/groups/letstakutanpare/permalink/887828089703331/?mibextid=Nif5oz

#Ltapreal




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now