WAG KANG LILINGON

132 6 0
                                    

"WAG KANG LILINGON"

Im in my 20s that time. Madalas inaabot ng madaling araw sa inuman. Pero malapit lang naman sa bahay namen. Then one time around 11pm tapos na inuman namen. Sabi ng guy friend ko uwi na daw ako madalas kase ako nagpapahatid din sa kanya dahil madilim ang dadaanan ko. Chineck ko ang oras around 11.30pm. Dahil mejo masarap kwnetuhan sabi ko mga konting minutes pa. Then mga 11:50pm sabi ko uwi na ako. Nung naglalakad na kame pag tingin ko sa daanan maliwanag naman pero wala na tao. So diretso lang kame. Hindi ko alam baket pero naniniwala ba kayo sa kasabihang "HUWAG KANG LILINGON?"

Shoot! di ko alam baket pero lumingon ako sa likudan ko at dun ko nakita yung kakalibing pa lang na ate ng kaibigan ko! She died few days ago pero that time ika 9th day na nya simula namatay. She was close to me back then.

So ayun na nga, pag lingon ko nakita ko sya nakaupo sa may semento nakayuko ang ulo na nakapatong sa tuhod nya. Yung damit na suot nya is white shirt and red short (suot daw nya yun nung namatay sya). Kita ko pa mga pasa nya sa braso dahil sa mga injections nung hinahanapan sya ng ugat. Nakakatakot, nakakakilabot (buti na lang hindi sya humarap or tumayo 😂) feeling ko na natulala ako ng ilang minutes parang hinihila nya ako papalapit sa kanya then bumalik lang ako sa wisyo nung tinapik ako ni guy friend. Pero imbis tumakbo tinuro ko sa kanya yung nakikita ko. Not sure kung nakikita nya din nakikita ko. (Ex gf sya nung guy friend ko).Sabi ko si ate ano ohh habang nakaturo kung saan sya nakaupo. Ginawa nya hinila nya ako. Dun totaly bumalik ang diwa ko. Dalawang dipa lang liliko na kame pag kita namen dun sa dadaanan namen SHOCKS!! ANG DILIM! walang streetlights ilaw lang sa dulo ang makikita at konting dim lights ng mga kapitbahay. Iniwan nya ako agad tumakbo na sya pabalik sa kanila 😭. Ako tumakbo na din papunta sa bahay ( apat na bahay pa bago samen)  sabay katok ng malakas sa pinto. That moment feeling ko pag lumingon pa ako sa likod ko makikita ko na sya nakatayo sa likod ko! 😭
Sa lakas ng katok ko pati kapitbahay namen nagising 😂. Ayun hundi ako nakatulog. Kinabukasan hindi ako makapunta sa cr. lage lang ako sa tabi ng pinto para ready tumakbo palabas 😂.

After that sunod sunod na nakikita kong mga namatay. Minsan nakaburol pa nakikita ko nakatambay sa labas ng chapel. Madalas 12 midnight. May times na hinahawakan din paa ko habang natutulog. Minsan nangangalabit. Pero ngayon thank God nawala na. Sumara na yata 3rd eye ko. Kaya pag dumadaan ako sa isang daan na madilim hindi na ako lumilingon.





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now