Face to Face

78 2 0
                                    

Face to face

Nangyari to mga 2009 sa 1st BPO office ko sa Philplans Building sa Taguig. Hindi ko nalang sasabihin ano floor.

May my chika na talaga sakin na meron daw talaga sa sleeping quarters namin. Ang kwento nila sakin meron daw gumagapang na entity sa ilalim nang double decks.  Para syang gagamba sa bilis kumilos gamit mga braso and paa nya.

Malaki ang quarters namin mga at least 15 na double decks tapos wala talaga binta. Na meron faint yellow light. As in sobrang labo, sakto lang na makita mo yung dadaanan mo and hindi ka babanga sa double decks. Para sya ilaw sa altar and ayun sobrang lamig ng room pag pasok mo aantukin ka agad sa lamig.

Nung time natulog ako 2 lang kami nasa quarters that time. Kababalik ko lang galing Boracay trip. Dumeretso nako sa office para hindi ma late pag pasok. Maaga ako ng mga 5hrs before my shift, syempre for me makatulog lang ng 4hrs malaki bagay na yun.

Nakatulog naman ako normal nag set ako alarm an hr before my shift.  During my stay, alam ko meron ako nightmare. Hindi ko maalala kung ano, my feeling ako prang sleep paralysis pero hindi.

Nung pag dilat ko. Meron babae naka titig sa muka ko. Yung face to face kayo na konti lang talaga pagitan. Hindi sya nakakatakot, my face sya pero wala sya expression, typical long hair sya, my mata, wala naman dugo-dugo. Pero hindi ko makita maige yung mukha nya since malabo ang ilaw. Hindi ko rin naman masabi nakalutang sya sa harap ko. Basta my nakaharap sa mukha ko.

Sobrang takot ko pumikit ulit ako nang mga 20-30secs hoping na mawawala sya. Syempre my konti bulong ng dasal. Dumilat ulit ako wala na sya. Dahan dahan ako umalis sa sleeping quarters and never nako natulog ulit doon. Pag gising ko naman nadagdagan kami my mga iba na natutulog.

Siguro dapat nag talukbong ako all the way. Para hindi yung face nya makikita ko pg dilat. Too late na, lesson learned nalang ako.


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now