Tara, kain

83 2 0
                                    

Tara, kain


Mga 2012 ata to, kami kami lang sa bahay ng mga ate ko kasama yung asawa nila at mama ko. Medyo late na yon, siguro mga mag 9pm na pasado, nagkaayaan na din na kumain kasi late na nga, kakaluto lang din ng ulam. Yung kuya ko nun (asawa ng ate ko) mahilig yon mag-aya ng “Tara, kain” or “kain po tayo” ng malakas ang boses may kasabay man syang kakain o wala nakaugalian nya ng magsabi ng ganun.

Edi eto na nga, bali ang set up ng lamesa namin pang 4 seater lang kasi maliit lang talaga yung lamesa namin so tabi tabi nalang kaming anim. Ang pwesto ng kuya ko na yun malapit sya sa pinto tapos katabi nya yung ate ko (asawa nya) na nakatalikod naman sa pinto, tas ako kaharap naman ng ate ko na yon then yung mama ko tsaka yung mag-asawa ko naman na isang ate sa kabilang side ng mesa. (Check nyo nalang sa drawing pano pwesto)

Nung kumakain na kami, kasarapan ng kain at kalagitnaan ng kwentuhan, yung ate ko na nasa harap ko bigla syang humingi ng kanin sakin ng pasigaw, ang pagkakasabi ay “KANIN!!” that time kasi katabi ko yung kaldero namin. Pero nung umangat yung tingin ko sakanya nanlilisik mata nya sakin tapos yung boses nya malaki at buong buo na parang sa matandang lalaki. Na weirduhan ako kasi sabi ko bat sisigaw pa pwede naman manghingi ng kanin ng maayos, nung nag sandok ako ng rice para sakanya at nung inabot ko na nagtaka sya, sabi nya bat daw ako nagbigay ng rice eh di naman sya nanghihingi tas nakita ko din na madami pa sya rice sa plato nya. Takang taka talaga ko nun pero natakot din ako nun kahit madami kami kasi di lang pala ako ang nakarining ng boses pati pala mama ko na katabi ko.

After kumain sinabi ko yun sa kanila pero wala naman daw sila narinig na humingi yung ate ko. Kakaibang experience yon, creepy kasi nung naging itsura ng ate ko nun haha di ko makakalimutan yon plus yung boses nya na naging lalaki, sabi nalang ng mama ko baka may nakisabay daw samin na iba na hindi naman invited. Kaya minsan nakakatakot mag-aya lalo na di mo alam kung sino mga pwedeng maaya mo sa pagkain at sa bahay nyo ng hindi nyo naman nakikita.





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now