Manok

88 2 0
                                    

Gusto ko lang ishare kwento naman ito ng Tatay ko nung umuwi kami sa Iloilo.

Yung Papa ko hindi talaga sya naniniwala sa mga aswang kahit tubong Leyte sya. Year 2005 to nangyari, twing bakasyon namin sa school andun kami mag anak sa Iloilo.

Sa bahay ng Lolo ko nagstay nun si Papa, Tito Z at Lolo ko habang kami naman e nasa Barotac sa isa kong Tito na pangalanan na lang natin na Tito R.

Nung gabing yun, nagulat na lang kami na umuwi si Papa sa Barotac na alanganing oras na at iniinda yung sakit ng tyan nya tas kahit anong gamot ipainom sa kanya nun talagang di nawawala.

Hanggang sa tinanong sya nung tyahin ng asawa ni Tito R kung meron daw ba na bumati sa kanya o nakasalubong sya na hindi nya kilala. Sabi nya meron daw na nakipagkamay sa kanya pero di nya natandaan ang pangalan at di rin naman nya namukhaan dahil nakayuko yung lalaki at tinanong kung san sya nakatira, sinabi naman nya na kina Lolo sya nakatira. Bigla daw lumitaw yung lalaki sa harap nya. At dun yun nangyari sa tapat ng malaking puno ng mangga na nag iisa lang. (Marami kong kwento dito sa puno na ito)

Yung tyahin ng asawa ni Tito R, tinanong pa si Papa kung may kakaiba daw ba na naranasan pagtapos nya mameet yung lalaki na nakipagkamay sa kanya, sinabi ni Papa na nung gabi na yun e may manok na puti raw syang nakita sa labas ng kusina. (Yung lolo ko mahilig sa mga manok yun at may manok din na puti yun.) Yung bahay kasi sa probinsya, may pinto din sa kusina papuntang labas ng bahay. Hating gabi na narinig ni Papa yung kaluskos, akala raw nya e may ahas sa kisame tas pagbukas nya ng pinto bigla daw may nalaglag na manok na puti galing taas o sa bubong galing tas nakatingin lang daw sa kanya yung manok. Titig na titig daw.

Since akala ni Papa e manok ni Lolo yun, ang ginawa nya hinuli nya tas sobrang dulas daw ng balahibo at paghawak daw nya, kumawala daw yung manok at natanggal lahat ng balahibo nya. Yung naging hitsura ng manok e tulad sa pic sa baba. Yung balahibo ng manok itinabi raw ni Papa yun, tas tinawag nya yung Tito Z ko at sinabi na nakawala ang manok ni Lolo. Hinabol pa nila yun, nakaflashlight lang sila tas nakita nila sumuot sa puno ng kawayan. Tumagal din ng oras yung paghahanap nila pero di nila nakita ni Tito Z.

Kinabukasan, sinabi ni Papa at Tito kay Lolo na nakawala yung manok nya na puti. Tas biglang sinabi ni Lolo na pano daw makakawala e nasa kulungan daw (pag gising kasi ni Lolo, agad nyang binibisita mga manok nya.) Edi nagulat sila Papa at Tito kasi kita nila kung san tumakbo yung manok, tas para patunayan na nakawala nga, sabi ni Papa naubos nga raw yung balahibo paghuli nya. Nung binalikan ni Papa kung san nya tinabi yung balahibo, wala na. As in, walang natira.

Heto na rin yung araw na di umuwi sina Papa kina Lolo kasi nung gabing lalakarin na sana nya yung daan papunta kina Lolo, gabi na yun. Parang may pumipigil daw sa kanya na wag ng tumuloy tas iba raw ang pakiramdam na talaga nya. Hanggang sa nagdecide sya na dumiretso sa Barotac.

Ang sabi nung tyahin ng Tita ko na malamang ay aswang daw yung nakasalubong ni Papa at kung sakali na tumuloy daw sya maglakad dun kung san puro puno rin ang madadaanan nya, baka raw ano nangyari kay Papa dahil sigurado raw na inaabangan  sya dun.

Buti na lang at mas malakas ang bisa ng panalangin.

#ltpreal
#Iloilo


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now