Teh, parang may mga patak ng dugo papunta sa CR niyo?

75 1 0
                                    

"Teh, parang may mga patak ng dugo papunta sa CR niyo?" 😳

It was year 2016, struggling college student ako (financially) kaya kailangan on my free time magwork ako. Education major ako so tutorials to little kids ang nagtawid sa akin. One time my own bestfriend asked for my service.....turuan ko daw younger brother niya na 8 yrs old dahil wala na siyang time or maski iba nilang kapatid. Menopausal baby ng Mom nila yung bata kaya malaki age gap sa kanilang lahat. I gladly accepted it! Syempre work yun eh..

So back again sa bahay nila, okay naman yung village, it was an old mid-tier village neighborhood in South. Isa sa mga lumang Camella Homes.  Malalaki ang mga lote, mapupuno at buhay talaga yung community, puro court sa mga kanto at madaming mga tindahan pero nandun pa rin yung pagkasecluded ng lugar from town proper. Nasa medyo taas na part kasi siya, maburol yun dati. Kita nga ang kahabaan ng SLEX (top view) kapag nagawi kayo papunta sa village.

So ito na nga, sa gilid ng main house yung bahay nila mismo dahil caretaker sila which is pagmamay-ari ng Tita niya yung property na nasa probinsya that time. Nandun bunso nila sa loob, naglalaro mag-isa. May kukunin lang daw yung bestfriend ko sa main house, iniwan niya kami ng bunso niya. Pagkabalik niya I made a joke about sa na-visualize ko, sabi ko "TEH! PARANG MAY MGA PATAK NG DUGO PAPUNTA SA CR NIYO?" with a smile pa nga. Agad agad akong hinila palabas ng bestfriend ko tapos nanlalaki mga mata niya, she asked me "PAANO MO NALAMAN YAN? WALANG ALAM YUNG BUNSO NAMIN TEH 'WAG MO SASABIHIN!" She's a calm woman, pero first time ko siya nakitang agitated. I told her na-vision ko lang. Sorry kako if it made her mad. Di daw siya galit pero as much as possible di daw yun pwede malaman ng bunso nila, sila sila lang daw nakakaalam. Eh never naman niya sinabi sa akin so paano ko daw nalaman? I said nakita ko nga lang sa vision ko....di ko naman alam na totoo pala. Akala ko it's part of my imagination lang. Spots of blood na mula pa sa gate.

Turns out na nung 80s habang ginagawa yung bahay na yun.....may natagpuang p@tay na trabahador sa CR na nasa labas ng main house (CR ng bahay nila). Her Papa saw it pero medyo bata pa si Tito noon at pinull out siya agad ng Ate niya sa crowd tapos pinauwi sa bahay ng parents nila sa town proper. Namatay daw sa s@ks@k yung lalake. May mga patak daw ng dugo papunta sa CR kaya nalaman kinaumagahan ng mga workers ng Tita niya na nandun yung tao, doon daw nagtago yung trabahador nung nas@ks@k siya.

It was not one of the workers sa bahay, sa ibang bahay daw yun sa street nila nagwowork at sa barracks nakatira. Napagtripan daw (?) but they doubted it kasi mukhang tinuluyan talaga based sa mga tama. Bata pa daw yung trabahador kaya nakakahinayang yung buhay niya. Wala din witnesses na lumutang pero may mga prime suspects dahil sa mga ebidensiya na nakuha ng mga pulis.

I still accepted the job pero doon kami sa balkonahe ng main house napwesto every MWF ng hapon, sakto sa tapos ng klase ko. Later on, I saw a drawing.....it's a man soaked in blood na nasa parang kahon and parang may naagos pang dugo mula sa katawan basta pagnakita niyo magegets niyo agad yung drawing. Sabi ng Tuttee ko "Maam yan yung lalake sa CR." in a casual tone.
Jusko alam niya pala all along. Paano?! 😳

Doon na nagsimula magtirik ng kandila kada hapon yung pamilya ng bestfriend ko, noon pa daw sila nagtitirik ng kandila pero pagnasapit lang yung death anniversary ng lalake.

'til this day nakatira pa rin sila doon pero sa main house na, binili na nila yung house sa Tita nila. Yung bunso nila nagTop on his grade nung sinimulan ko turuan and even these days may mga awards siya, they acknowledged what I noticed na hayaan siya maglaro habang nagaaral dahil yun ang learning style niya. Di na rin nagpaparamdam pa yung lalake. Wala ng mga hikbi o parang iyak daw sa gabi ang lalake unlike noon, pero they keep on having a candle lighted every week para sa kanya. Magbestfriend pa rin kami ngayon ng friend ko. ☺️

My bestfriend gave me additional details pala....her Tita gave a brief story nung tinurn over yung bahay sa kanila. It was a man in his early 20s, napag-initan ng mga kasamahan sa barracks. Sabi ng mga workers niya na gumawa ng bahay, noong araw daw nakikita daw nila na laging pinagttripan yung lalake, inuutusan pumunta sa baba (burol po kasi yung village) to buy something ng paisa-isa o di kaya kapag kakain na di nila kasalo, yung rasyon ng Engineer ang kinakain nila pero yung lalake mamimitas ng dahon dahon sa paligid at yun uulamin dahil di nga nila binibigyan. Kaya they always share their foods daw na baon nila kahit ano pa yan. Nakuha at nagpapasalamat daw yung lalake pero di daw talaga friendly type, tahimik lang. Nung parang binati ng foreman ng Tita niya yung mga nasa barracks at sinabihan na wag naman ganunin yung isa nilang kasama eh maski sila inaway na rin kaya di na sila dumadaan masyado doon, they even said 'mukhang mga sabog' pa nga daw yung mga tao na yun.

Ang sabi din, that night na nangyari ang krimen....hindi daw nagshare sa inuman yung lalakeng pin@tay, sobrang sinop daw ng tao sa pera dahil may Nanay at mga kapatid na pinapadalhan sa probinsya. Yun yung nakitang motibo, di nakikisama sa bisyo nila kaya tinuluyan.

Akala siguro ng lalake, nagsstay yung mga workers ng Tita niya sa gabi doon sa bahay na ginagawa nila kaya doon siya nagseek ng refuge nung sin@ks@k siya, pero wala pa lang tao. Di na ito inabutan ng umaga pa, hayy. They gave their statements naman sa mga pulis pero umalis na agad yung mga suspects na katrabaho ng lalake at di na nahuli pa. It was 80s, at dinidevelop pa lang yung lugar na yun kaya nabaon na din sa limot ang krimen na nangyari doon. Kakaunti na lang nakakaalam, yung mga nauna daw sa village.

Kung nasaan man ang mga maysala, sana pinagbayad sila ng Diyos sa ginawa nila. After I shared this story, I also lighted a candle for his soul.

**Since then, I can vividly see the past of the houses na napupuntahan ko po kahit di pa sabihin sa akin ang kwento. Ano kaya tawag sa ganun?
I can also sense if mamamatay ang isang tao at never pa po ako nagmintis.  🥲
_____________________________

Miss Rin Rin 🌷




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now