Ang Baler ni Step-Mudrakels

139 5 2
                                    

"Ang Baler ni Step-Mudrakels"




Ito naman ang iba pang stories ko, hango sa totoong buhay. Wala akong picture ng mismong pinangyarihan ng bahay, hindi na din kasi ako doon nakatira at 18 years ago na din kasing nangyari 😁.

1st Encounter

Nangyari ito noong lumayas yung unang katulong ng SM (step mother) ko, napagalitan daw niya kasi yun dahil gabi na nakikipag inuman sa mga trabahador nila Mama (step-mother ko) na lalaki tapos iniiwan daw ang gate ng hindi naka-lock baka daw bigla kami pasukin sa loob, puro babae pa man din kami lahat, naghahanap sila ng bagong kasambahay kasi hindi ko kaya gawin lahat ng gawaing bahay. Prinsesa ako ng papa ko. Hindi ako marunong ng gawaing bahay. Meron silang nahanap malapit lang dito samin. Nirefer ng kamag-anak ng kapitbahay namin. Wala namamg something special sakanya. Pero napapansin ko na hindi nya ako masyadong kinakausap. Friendly ako, kaya lagi ko siyang kinakausap, pero sya ayaw nya talaga ako kausapin.

Nalimutan ko na kung ano ang nangyari noon, basta simula ng kinausap na nya ako naging close kami, parang sya na ang tinuring kong totoong ate ko, kasi ayun ang kelangan ko ng mga oras na yon, kalinga galing sa Ate ko, na hindi ko makuha. To be honest, ang akala ko lahat ng tao kagaya ng Papa ko na mamahalin pa din ako kahit nakakagawa ako ng mga bagay na hindi nila nagugustuhan. Akala ko lahat ng tao tatanggapin ka nalang ng kung ano ka at anong meron ka. Pero hindi pala, iba na pala sa reyalidad ng buhay. Kailangan mo palang pakisamahan ang mga tao, at makibagay sa kung anong gusto nila para hindi ka nila ayawan.

Back to the story, tawagin nating Ate Beng ang bagong katulong nila Mama. Sabi niya sakin, "alam mo Zeb (itatago ko nalang pangalan ko sa Zeb 😁) sabi ni Ate Cory, wag daw kitang kausapin, hindi ka daw niya anak, tingnan ko nalang daw ang kulay ng balat mo, maitim ka at sila sobrang mapuputi, tingnan ko daw ang bibig at gilagid mo ma!t!m din daw kasi sinungaling ka daw na tao kaya daw umi!t!m yan". Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak sa mga sinabi niya sa akin. Ang sagot ko sakanya "Alam mo Ate Beng sobra na talaga akong nasasaktan sa sinasabi ni Mama. Akala ko lahat ng tao katulad ng Papa ko na mamahalin ako, hindi naman pala". Umiiyak pa din ako ng mga oras na yon, sabay sabi ni Ate Beng. "Pero alam mo nung nakilala kita, mali pala si Ate Cory, mabait ka palang bata. Hindi lang kita pinapansin kasi baka mapagalitan ako ni Ate Cory".

Simula din ng maging close kami ni Ate Beng, ang dami ng mga bagay na hindi ko alam na mangyayari sa akin. Noong gabi din na yon, nasa First floor kami kasama ng tatlong pamangkin ng SM ko, (ang kasama namin sa bahay ang kapatid ni SM na babae, tapos asawa nito, at isang anak at pamangkin na pinag-aaral niya). Back to the story ulit. Nasa dirty kitchen kami, may lamesa din doon na kainan, kumakain kaming 3 ng mga bata kasama si Ate Beng. Sa bodega doon sa baba, bigla kaming may narinig na babaeng umiiyak. As in, tumatangis siya sa hinagpis, ganon ang dating ng iyak niya sa amin. Nagyakapan kaming tatlo ng mga bata kasi pati pala sila narinig nila ang iyak. Pinagalitan ko si Ate Beng, sabi ko "Ate Beng, Ikaw yung umiiyak eh!! Wag mo naman kaming takutin, natatakot na kami eh" pero hindi naman bumubuka ang bibig ni Ate Beng tahimik lang talaga siya na mukha ding natatakot, imposible din namang sa cellphone yon, ang usong phone noon eh yung may keypad na black and white pa 😁🤣. Nakikiramdam kaming tatlong mga bata akala namin titigil na. Hanggang sa lumakas lalo yung iyak, yung as in parang papalapit ng papalapit samin yung iyak. Malinaw na naming narinig na galing sa bodega yon. Nang malapit na ang iyak, nagtakbuhan na kaming tatlong mga bata sa sala na nagsisigaw at naiwan namin si Ate beng doon sa labas na nakaupo pa din. Pinagalitan kami ng Step sister kong mas bata sa akin sinigawan kami. "Ang iingay niyo naman kita nyong nanonood ako!" Hindi namin talaga maipaliwanag yung nangyaring yon. Sobrang nakakatakot ang iyak ng babae talaga. Hindi siya normal na iyak ng tao lang, para siyang nasa loob ng banga yung tunog as in nakakatakot.

Post ko agad next encounters kapag na-approve 🙏🤗
Salamat Admods 😍



"Ang Baler ni Step-Mudrakels Part 2"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now