Bayad ng Patay

190 6 0
                                    

BAYAD NG PATAY

Ang ibabahagi ko sa inyo ay ang nangayri noong 2015, isa akong konduktor sa jeep na pinapasada ni mang Erning. Nang panahong iyon ay bente nuebe anyos pa lang ako, tubong Antipolo Rizal, kaya siyempre doon ko din nakilala si mang Erning...

Naging parang tatay-tatayan ko na siya dahil simula nang makulong ang tatay at nanay ko ay siya na ang tumatayong tatay ko. Maaga kami pumapasada, balikan mula Antipolo hanggang Cubao. Mag-aalas-diyes na no’n ng gabi nang pasyahin naming bumiyahe pa-Cubao. Wika ni mang Erning, kailangan namin  humataw dahil magtataas na naman ang krudo kinabukasan. Maigi na raw na hindi kami kapusin kinabukasan.

Marami pa rin namang sumasakay kahit nga malalim na ang gabi, halos mga nagtatrabaho sa panggabing opisina ang mga pasahero namin. Noong maihatid na namin sila sa destinasyon ay bumalik na kami kaagad. Hindi nga lang namin napansin na may sumakay pala sa jeep noong  nakatigil kami sa Cubao, mga pagod na rin kasi kami at antok na.

Bale nasa pampasahero ako nakaupo tutal wala naman na pasahero. Nasa kalagitnaan kami  ng Sumulong highway ng sandaling iyon nang may biglang nagsalita.

“B..a..y..a..d...”

Mahina ngunit tumatagos sa tainga ko, siyempre nagulat ako dahil ang akala ko nga ay walang ng pasahero. Paglingon ko sa pinaggalingan ng boses ay nakita ko ang may edad na, hindi ko lang maaninag ang mukha dahil malamlam ang ilaw ng jeep. Nasa dulo ito nakaupo malapit sa babaan. Inabot ko naman agad ito at tinanong ko pa siya kung saan bababa.

Subalit hindi ito sumasagot, pero nang sipatin ko ang pera na inabot niya ay nagtaka ako dahil dalawang limang pisong papel ito.

“Ah... 'tay, wala ho ba kayong ibang pera diyan. Hindi na po kasi ito tinatanggap ngayon.”

Hindi pa rin ito sumasagot bagkus ay pinagsaklob niya ang dalawang kamay niya na tila giniginaw. Nang matitigan ko siya ng mabuti ay tumayo bigla ang mga balahibo ko dahil napansin kong nakabarong pala ito, hindi ko lang napansin noong una dahil wala na ang mga manggas nito at isa pa ay hindi na puti ang kulay. Pero naroon pa rin ang disenyo ng pagkabarong nito, napagtanto ko na rin na kaya pala amoy pormalin sa sasakyan.

Pinagpapawisan na po ako ng malagkait ng mga oras na iyon, ibang-iba na kasi ang itsura ng mukha nito nang tumapat sa malamlam na ilaw. May malalaking butas sa mukha nito na sa tingin ko ay wala na ring mga mata. Napasigaw po ako sa takot at kaagad akong nilingon ni mang Erning.

“Anong nangyari sa ‘yo, Allan?”

Nang humarap ako kay mang Erning ay nanginginig akong itinuro ang bangkay na nakasakay sa dulo ng jeep. Malapit na kami sa gas station nang ihinto ni mang Erning ang jeep. Paglingon ko sa dulo ay nawala na lang ang sakay naming bangkay.

Nag-alala sa akin si mang Erning at sinabi pa niyang magpainit muna kami ng sikmura. Hindi niya po iyon nakita dahil nawala na lang bigla. Ang sabi sa akin si mang Erning ay baka namamalikmata lang daw ako dahil ganoon daw talaga kapag kulang na sa tulog at pagod pa.

NANG muli kaming bumiyahe pauwi ay sa tabi na niya ako umupo dahil nanginginig pa rin ako sa takot. Pagdating sa bahay ay dumiretsu na ako sa kuwarto upang matulog na agad. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko, nang may makapa akong papel. Paghugot ko po ay dalawang limang pisong papel iyon, kinilabutan na naman ako dahil 'yon ang binayad ng patay sa akin. Mabilis ko po iyong tinapon sa bintana at ilang ulit na nagsabon ng kamay...

Hindi ko sure kung maniniwala kayo, pero ako din naman ayukong paniwalaan yung pangyayari. Kaso yung binayad kasi nandun pa. Hinayaan ko na lang. Hanggang dito na lang ang kwento ko. Ingat na lang sa pagsakay ng alanganing oras na. Salamat

xsaw



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now