GABAY/GUIDES

59 3 0
                                    

GABAY/GUIDES

Babaylan here again! Gusto ko lang i-share ang isang encounter ko about someone else’s spirit guides. Sa mga hindi pa nakakaalam, I offer various services to people who are seeking ‘Spiritual’ help and guidance.

I met this client a few months ago. Nag message sya sa aking IG page to ask for tarot reading. We eventually became friends and nagshe-share na din sya sa akin ng mga stories at litanya nya sa buhay. So, sa dati daw nilang bahay sa Laguna, meron doong multo na ang tawag ng isang friend namin ay “Ms. Minchin”. Hindi naman daw nang-aano pero masungit at galit ang aura nya. Naikwento din nya sakin ang spirit guides nya na matandang lalaki at isang babae. Though hindi naman ako takot sa mga ganyang bagay, sahil hindi naman bukas ang third eye ko. So kiber lang dahil di ko naman sila nakikita. 😂

One night, nagkaroon sila ng malaking away mag-asawa at nagkagulo ng bongga. Like eskandalo levels. Magka-chat kami ng client ko non and syempre, worried ako. Lumipas ang ilang oras, tinanong ako ng client ko if pwede daw magpa-reading. So ako naman si tanga, akala ko naman tungkol sa kanilang mag asawa ang babasahin. Nabalasa ko na at nagtanong na ako kung ano ba ang ipapa-reading nya.

Client: Mga spirit guides ko ba ang may gawa nito?

Naglapag ako ng baraha, upright ang nabunot at lumabas ang The High Priestess card. (The High Priestess card can embody a woman, or a woman who interests the Querent) It represents the Divine Feminine. So ako naman, since napaka spiritual card nitong card na ito and it is highly connected to mystery and intuition, naisip ko yung kine-kwento nyang babaeng guide nya.

Ako: Oo…

Pagkasabi ko sa kanyang “oo”, bigla akong kinilabutan. Alas dos na yun ng madaling araw at syempre, ako na lang talaga ang gising. Though patay naman talaga ang ilaw namin twing gabi, pakiramdam ko nasa loob ako ng kahon. Sumikip ang paligid ko at hindi ko maintindihan bakit kinakabahan ako. Hindi ako ganito sa reading. Palagi naman akong grounded and may clarity.

Kaya nya natanong, kung ang spirit guides nya ang gumagawa ng kung ano, yun pala, yung asawa nya ay hindi makahinga. Hirap daw huminga, and parang na-realize nila na baka ang guides nga nya ang gumagawa.

So habang pahaba nang pahaba ang reading, ganun din katagal nagtatayuan ang balahibo ko. Pakiramdam ko meron akong mga audience sa likuran ko. Hanggang saa na feel ko nga, na parang MAY NAHAPLOS NG BUHOK KO SA BATOK. Putcha.

So ang pinarating ng guides nya, eh galit sila sa asawa dahil nga dun sa eskandalosang away nila and I think and feel like theyre just looking after her.

Hindi ko na kinaya, nagbukas na ako ng ilaw. Alas tres na nang madaling araw. Iba yung kilabot ko. I mean, I have talked to spirits pero friends and family naman kasi. It is really different if you are talking to someone you don’t know and what they’re capable of.

Pag-upong pag upo ko, di ko na napigilan at nasabihan ko na si client. Na dapat nagpaalam na muna sya and asked for their permission to be read by my tarot cards. Hindi ko alam, pero unconsciously, napakapa ako sa likod ko, malapit sa batok. Nakanang! I can feel na meron akong kalmot. Hindi mahaba pero malalim. So sinabi ko dito kay client na bakit nananakit tong guide nya. Apaka sadista! Tapos na mention ko na nga din na meron nanghawak ng buhok.

And ayun nga. Kinonfirm nga nya na yung babae nyang guide, nangangalmot. Yung matandang lalaki ang nanghahawak ng buhok. Nung sinabi nya yun, sabi ko na tigilan na namin at nang mapalayas ko na. Sobrang tanga ko sa part na yun. It is like inviting a vampire inside your home. Though I have powerful wards hanging around our house, di ko naman masisi bakit sila nakapasok. Dahil nga kasi, ni reading ko sila ng ganun ganun lang and not even with their permission. I accidentally invited their presence in.

Lesson learned na lang sakin. After ng reading namin at nagpaalam na ako sa guides nya, nawala na din yung feeling ng kilabot. Never ko na inulit at uulitin pa na hindi manghingi ng pahintulot. Lahat tayo, may gabay. And not all of them have pleasing personalities. 😭

-Babaylan


📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now