BAHAY SA TABI NG CREEK

130 4 0
                                    

BAHAY SA TABI NG CREEK

So since avail palagi at wala na kong maisip gawin, naging pang-patay oras ko ang pagbabasa dito sa spookify at today nagsawa na ko HAHAHA charis, nabore ako kakabasa kaya let me share a story nalang. This one is last  year lang nangyari.
Long post ahead. Bear with me hindi ako kagalingan mag kwento.

My name is Xhein (not my real name) I have a partner (LIP) and meron siyang lola na bed ridden na. Si lola, malakas pa siya nung naging kami ng partner ko, humina nalang siguro due to katandaan narin (around 80s)
So simula nung naging bed ridden siya, dun na nag simula na nakakakita siya ng mga hindi natin nakikita.
One time bumisita kami sa bahay nila (madalas kami bumisita, every week) Pagpasok namin umiyak agad siya. Nagsumbong, kinuwento nya na may lalake na gusto daw siyang saktan. Minsan pa sasabihin niya "isarado niyo yung pinto baka pumasok yung lalake" at takot na takot siya. May time din na may kinakausap siya sa labas ng bintana. Btw ang gilid ng bahay is creek at may puno pa ng balete (not sure if balete nga basta yung puno na may nga string) so pag sumilip ka sa bintana, creek ang makikita mo. So yun nga may kinakausap siya sa creek, naawa daw siya at gusto niya bigyan ng pera pambili ng gatas. ang nakikita niya is babae at mga bata (siguro nanay yung babae at anak niya yung mga bata)
Ineexplain namin na "Lola wag mo nalang po pansinin at magdasal ka lang dahil hindi naman sila totoo, hindi namin sila nakikita. Hindi ka nila masasaktan" para medyo kumalma siya.
One time bumisita yung partner ko mag-isa sakanila,
pag pasok niya bumati agad ang lola "Hello Xhein" nagtaka ang partner ko kasi siya lang mag-isa, hindi niya naman ako kasama. sabi niya "La ako lang po mag-isa, hindi ko kasama si Xhein" reply ni lola is "eh sino yang babae sa tabi mo"

FF hindi rin nagtagal is tuluyan ng namaalam si lola. bumigay na yung katawan niya. Maayos naman yung naging takbo ng lamay ni lola. Normal lang.
Dumating yung araw ng libing, after mailibing si lola don na muna kami nag stay sa kanila para magpahinga, syempre pagod kakaasikaso sa libing. Nakahiga ako sa sala, naglatag lang ako ng sapin sa sahig at dahil nga pagod at puyat, mabilis lang ako tinamaan ng antok. Yung partner ko that time andon lang sa tapat ng pinto, limot ko na kung anong inaasikaso niya don. So yung tita ng partner ko is tumutulong sa pagbabalik ng mga gamit (na ginamit sa lamay ni lola) sa bahay nila. Yung tita niya is merong bukas na third eye. Sanay makakita ng mga hindi normal. So dumating yung tita niya may bitbit na gamit "ay salamat po tita" sabi niya pagkakita sa tiyahin na may bitbit. Ang nakapag tataka is walang sabi-sabi binaba agad ng tita nita yung dala-dala at kumaripas ng takbo.
Kinagabihan nakausap namin si tita, nakita niya daw ako na tulog, may lalake raw sa paanan ko at babae sa bandang uluhan, pinapanood ako habang natutulog.

Marami pang experience yung tita niya sa bahay na yon but it's sa different story na at napaka haba na nito. yun lang, salamat sa pagbabasa!

Xhein



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now