HS Retreat

85 3 0
                                    

HS Retreat

First year HS retreat naganap ito sa Caliraya Laguna.  Bit of a background, batch 2004 kami. CoEd private christian school.

Usually two nights, three days ang retreat. Eto na yung last night namin. After dinner and after ng mga group cell sessions. Usually pag last night, hinahayaan kami mag enjoy and mag hang out a little more longer kesa sa usual na lights off schedule.

Pabalik na ako sa room ko, my napansin ako gumagalaw sa mga puno. Eto yung way na going sa fish ponds. Before kasi iba itsura nang Caliraya compared now mas madami activities. Before meron sila fish pond na pwede ka mag fishing sa likod. Hindi sya sa lake mismo.

Dedma ako nung una. Pero napansin ko na pati ung batchmate ko si Keith (again, hindi nya totoo name) nakatingin rin sa area kung saan ko napansin meron gumalaw.

Tinabihan ko sya sabi ko “nakikita mo rin ba? Tumango sya and sabi “gusto mo tiganan?” Sakto my hawak sya binoculars. Gabi to, my flashlight ako sya my binoculars. And weird lang na pumayag ako sumilip sa binoculars at sinusundan sya habang point nya nang flashlight kung nasan yung entity.

Mejo nag caught na rin kami ng attention sa iba. Akala nila naprapraning kami or pampam lang. Until my lumapit na cell group leader samin (babae) hindi sya part ng school. Siguro sa church or isa sa facilitator ng Caliraya. Dinala kami sa isang room sa ground floor. Not sure kung room nya yun. Para kami naka trance.

Tinawag kami ni Keith and asked ano daw nakita namin. So eto explanation ko, sabi ko “anino sya. Ang bilis nya kumilos. Hoping from one tree to another”. Si Keith nag nod lang and nag fill in ng “para sya my kalaro. Nakikipag habulan pero wala kahabulan.”

Earnest naman nakikinig samin ung cell group leader. Hindi sya nag pakilala samin. Weird lang na pagka explain namin hindi kami nag pray or hindi kami binigyan ng assurance na wala lang yun. Lumabas kami sa room na dedma lang sa cell group leader.

Sabay kami lumabas ni Keith mejo nag titigan pa kami na prang ang dami tanong kesa sa sagot. Pero dedma na kami. Personally kasi gusto ko nalang pumunta sa bedroom kasi ang sakit sa ulo. Si Keith rin nabangit nya gusto nalang nya mag rest.

Pag labas namin, my lumapit samin batchmate. Tropa ni Keith and sabi “saan kayo galing? Hinahanap kayo ni Ms. Sarah (school counselor)” syempre nag explain kami ulit and again inulit namin kwento kay Ms. Sarah.

We found out from Ms. Sarah, na yung nag interview samin na taga cell group wala ganun itsura or damit. Nag end yung night namin with Ms. Sarah na pinag pray kami. Asking na hindi kami sundan or my gawin masama samin yung nakita namin and nakausap.

Weird lang until today. Mas weird parin yung kumausap kesa dun sa shadow na naglalaro.


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now