Buto

223 6 0
                                    

Buto

Year 2008

Nakatira ako sa southern part ng Pilipinas, malapit ang bayan namin sa dagat in particular. Tunay na maipagmamalaki ang aming bayan sa taglay nitong ganda ng tanawin at karagatan. Hindi pa kasi masyadong dinadagsa ang mga beaches nung mga panahong ito sapagkat may kahirapan ang daan patungo sa lugar. May mga parte rin ng daan na walang tao at madilim dahil sa kakulangan ng budget para sa pagpapalinya ng kuryente.

Dahil medyo malapit nga kami sa dagat, lagi kaming pumupunta roon upang maligo, magpaaraw, at minsan namimingwit pa nga kami ng aking papa. Tanda ko pa noon, naglalaro kami ng mga pinsan ko ng buhangin ng tawagin kami ni Papa. Lumapit kami sa kanya at ipinakita nya samin ang napulot nyang buto. Ang style ng buto ay yung parang sa drumstick ng chicken, pero may kahabaan at kalaparan ito, mga 6 inches sa pagkalatanda ko. Nilinisan at inuwi ni papa yung buto, binilad nya rin sa araw. Tapos, ginawa nyang accesory sa sling bag. Ewan ko rin sa trip ni papa eh.

Nung linggong yun, kelangan namin lumuwas ng city noon para sa aming negosyo, si mama at papa lang dapat pero nagpumilit ako. gustong gusto ko sumama lagi kasi doon lang ako makakatikim ng jollibee, matic aabutin kami ng gabi sa byahe, mga bandang 7 to 8 pm nang bagtasin namin ang sitio kung saan walang poste ng ilaw at wala ring nakatira. Bago makarating sa sitio, may muhon at malaking puno ng mangga kung saan bumubusina ang mga driver. Napansin kong hindi bumusina si Papa pero di kko na pinansin, siguro dahil sa pagod na rin. Walang 3 minuto, tumigil ang makina ng aming sasakyan. Sobrang dilim. Tila pati buwan ay tinalukuran kami noong panahong yun, kasi ang dilim, parang akong sinasakal sa kadiliman.

Bumaba si papa para tingnan ang makina, buti nalang may dala kaming flashlight, wala naman daw problema, madami pa rin kaming gasolina.  Tinry nyang istart uli at paandarin pero papatay patay ang aming makina kaya nagdecide na wag ng pilitin kasi baka lalong magkaproblema. sabi ni papa tawagan o itext ko daw ang kuya ko para kaunin kami. Jackpot, kasi walang signal. So no choice kami kundi mag antay ng dadaan. Kung meron pa.

Walang ibang dumaan. Ang dilim talaga. May narinig kaming yabag, yung parang umaapak sa mga tuyong dahon, sabi ni papa wag daw kami gagawa ng ingay kasi baka daw npa. Nawala ang yabag. Pero napalitan ng pagaspas ng pakpak ng tila malalaking ibon. Takot na takot ako noon. Pati si papa natakot na rin. Umimik si mama, “Yung buto, itapon mo yung buto” aniya. Nagulat kami. Baka yun ang rason kung bat kami sinundan nung kung anong elementong yun. Inalis ni papa sa pagkakatali sa bag nya yung buto at itinapon sa bangin. Tila lumayo ang pagaspas at nabalot ng katahimikan ang paligid.

Tinry ni papa istart ang sasakyan, nagstart ito. Umurangkada na kami at paspas na umuwi. Walang umiimik sa amin hanggang makauwi kami sa bahay. Kinabukasan napag usapan namin ang nangyari, nagkaroon ng haka haka na baka buto umano ito ng tao, ng bata base sa istruktura nito.

May ilan na rin kasing kaso ng inaanod na bangkay sa dalampasigan ng aming bayan. Yung iba nga, nakikitang pinapapak na ng mga isda ang laman. Walang kasagutan kung sa tao nga ang buto o kung yun talaga ang rason kung bat kami napaglaruan sa daan. Ang alam lang namin, laging magpapaalam sa kalikasan kung sakaling may kukunin ka, magpapaalam upang makiraan sa mga lugar na sila naman talaga ang may ari.

Liane



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now