Tuguegarao Series: Malik-Mata

58 1 0
                                    

Tuguegarao Series: Malik-Mata

So sunod2x ang naging bagyo at pagbabaha sa Norte these past few weeks. As usual, expected na mawalan ng kuryente sa mga panahon na ito. For safety reasons, umuwi sa family home nila si wifey instead of staying at her clinic. Nandun din sa haus yng mga pamangkin at pinsan nya that long, rainy weekend.

Bungalow lang yun at may 3 rooms, whyl sa likod naman yng apartment ng lola at isang auntie with a cousin. From the rooms dadaan ka sa hallway near the dining area at kitchen bago makalabas sa living room. Admittedly, medyo gloomy dun sa middle part ng bahay at ang liwanag at nanggagaling lang sa windows sa sala. Kapag gabi, pumapasok yng ilaw ng iilang kotse ng kapit-bahay na dumadaan. Malayo yng ilaw ng katapat na warehouse at pati mga poste na nasa mga dulo lng ng daan.

Nagkukwentuhan raw sila dun sa middle room ng Mommy at isang niece ni wifey. Ang nakaharap sa pinto na tanaw yng hallway sa may kusina at dining ay yng pamangkin nya. Sa gitna ng kwentuhan, bigla daw ito natigilan at parang sinisipat yng hallway. Napansin ni wifey at tinanong sya kng ano problema...Nagaalangan na sinabi ng niece na para kasi syang may nakita dumaan ng mabilis, e that time wla na tao sa sala at nakalock na sila ng gate at frontdoor. Tinitigan daw nya uli at parang pigura ng aninong malaki ang nakita nya. Nawala daw bigla nung kinausap sya uli ni wifey.

Nakwento ko na dito dati na natutulog rin sila sa sala one summer night at wlang kuryente nang may nakita si wifey sa dining table nila. Dark shadow daw na nakaupo. Yung nephew naman niya, minsan lumabas ng kwarto one night para kumuha ng tubig na maiinom sa kusina. Tumambad daw sa kanya ang isang malaking anino, sobrang tangkad na halos nakayuko na sa ceiling. Dahil akala nyang nananaginip lng sya tumigil sya sa paglalakad at nagpunas ng mata muna. Pagmulat nya uli, wla na yng anino, pero di na rin sya tumuloy sa kusina kasi parang nangilabot sya.

Palaisipan pa rin sa kanila kng ano yng nakikita nila kasi nagpaBlessing naman sila dun dati. At sa ilang dekadang nakatayo yng bahay, wla rin sila alam na kwento ng karahasan na nangyari dun sa lugar.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now