Bahay ng Lola ng Friend Ko

80 2 0
                                    

Bahay ng Lola ng friend ko sa Taytay Rizal.

Matagal tagal na po akong nagbabasa sa page na to and gusto ko lng din mag share and malaman ang insight nyo about sa naranasan ko sa bahay ng lola ng kawork/friend ko.

This friend of mine na involve is napakadaldal sa office. Since non voice yung work namin, kwento sya ng kwento and mostly ang gusto naming topic ay horror, kahit aminado kaming lahat kami ay matatakutin. One day, nabanggit nya na nung high school sya ay sinama nya yung mga klasmate nya sa bahay ng lola nya.

Nag overnight sila ng klasmates nya para gumawa ng project sa TLE not knowing na may nakakatakot na nangyayari sa bahay na yun. Nga pala lola lang nya yung nakatira sa bahay pero ayaw na ayaw nya ng bisita. Kaya nung nalaman ng friend ko na aalis yung lola nya eh sinamantala na nya yung pagkakataon. Di lang sila nag gawa ng project na tour pa sila sa buong bahay. Nag stay sila sa kwerto ng lola nya kasi may aircon.

Nung gumagawa na sila ng project sa kwarto, tinapik ni Berel (nyem nung klasmate ng friend ko) yung friend ko at sinabing asa labas ng kwarto yung tita nya. Nakakahiya daw na asa loob sila at hindi nila magawang papasukin yung tita nya. Nakita daw nya yung paa ng tita ng friend ko sa siwang ng pinto sa ilalim since naka indian seat lang sila sa lapag. Nabanggit pa daw ni Berel na nakaharap yung paa sa pinto kaya naisip nya na baka gustong pumasok nung tita nya. Ang taning sagot lng ni Ngenget sa kanya ay "Wag mo ng pasinin yun, aalis din yan." Makatatlong beses nyang tinapik yung friend ko about sa tita nya na nag aantay sa labas ng pinto. (Pano naman na tita nya yung nasa labas ng pinto since paa lang yung nakikita nila? Yan yung di nya natanong sa klasmate nya hahaha pero baka may time na lumabas si Berel sa kwarto para mag CR or something.)

Kinabukasan, pagpasok nila sa school, sinabi ng friend ko na wala tao sa bahay ng lola nya nung araw na nag overnight sila dahil umalis ito at tanging lola lang nya ang nakatira dito. Nagtataka si Berel kung sino yung babaeng nakatayo sa may pinto ng kwartong pinag stayan nila.  Ang alam namin may babaeng nagpaparamdam sabahay ng lola nya. Hindi lang pala sya nagpaparamdam, Nanggagaya din sya. (May part 2 para sa naging experience ko sa bahay ng lola nya!)



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now