Vanity Mirror

222 6 0
                                    

Vanity Mirror

Hello Spookify readers! Ang story na ito ay experience ng pinsan ko and dahil hindi sya mahilig magsulat ako na lang daw ang magkukwento to share it here. As a bida-bida pinsan gusto ko talaga nagsusulat ng story lalo na if scary.

Hello, itago nyo na lang ako sa pangalang beth. Nagsimula ang mga scary experiences ko simula nung binili ko ang vanity mirror. Akala ko sa mga horror movies lang nangyayari yun, pero hindi pala. Binili ko ang vanity mirror sa nagtitinda naming kapitbahay dahil sila ay kumukuha ng mga bulk items sa Divisoria at yon ang kanilang tinitinda sa kanilang pwesto sa palengke. Saktong dumating ang mga paninda nilang vanity mirror na binubuhat papunta sa bahay nila ng makita ko at nagustuhan ang kulay puting vanity mirror na iyon, nag ask ako agad kung magkano at dahil nga natipuhan ko sya binili ko rin agad. At first natutuwa ako dahil parang nabuhayan yung kwarto ko dahil team white and brown ang peg ko sa kwarto, but later on hindi ko na rin ikinatuwa dahil dito na nagsimula lahat ng creepy experiences ko.

One night, pagod na pagod ako non sa trabaho dahil ang pasok ko is around 8pm to 4am btw, Ako po ay accountant and wfh po ako, so puyat lang talaga ang kalaban ko. At ito na nga, habang natutulog na ako around 4-5 am ata yon may nagbukas ng kwarto ko pero di ako dumilat agad dahil baka kapatid ko lang, pero nung nagtagal sya medyo dinilat ko mata ko para medyo masilip. Nung sinilip ko may nakita akong lalaking nakatayo sa may vanity, and since sarado ang mga ilaw parang anino lang nakita ko na nakatayo, bumalik agad ako sa pagkakapikit pagkatapos kong silipin sandali at habang nakapikit na ako  tinanong ko sya, dahil nga akala ko kapatid ko ang pumasok inask ko ano kinukuha nya sa kwarto ko don sa may bandang vanity sumagot naman sya at sabi nya  ""bulak lang te"". After noon hindi na ko nag tanong at medyo napasilip ako uli nung sumarado na din ang pinto. At dahil nga sumara ang pinto expected na talaga na may pumasok.

Kinaumagahan, ayun na nga habang nag aalmusal kami ng mama ko at kapatid kong lalaki nagask na ako sa kapatid ko na ""bakit ka pa pumapasok sa kwarto ko ng madaling araw? kumuha ka pa talaga ng bulak ah, aanhin mo bulak? Yan ang mga sinabi ko. Sumagot naman sya at sinabi nyang ""bat ako papasok sa kwarto mo saka aanhin ko bulak sa madaling araw? At doon na nga ako nagkwento sa kanila  na ""edi sino yon? May pumasok e, tapos kumuha ng bulak sumagot pa nga sakin ng ""bulak lang te"""". At ang tanging sinabi lang sakin ni mama  para hindi ko na siguro isipin yon is baka daw naalimpungatan lang ako dala ng pagod at puyat. That time hinayaan ko lang kahit alam kong sa loob ko may sumagot talaga sakin na lalaki nung madaling araw na yon. Pero hindi pa dito natatapos ang lahat, yung black na anino na yon or black entity na yon mas madalas akong dalawin nung mabuntis ako.

Ps. Ibubukod ko po ang iba dahil mas marami pa ang nakakatakot na ganap ng mabuntis po ang ate ko. Please comment for Part 2 if interested pa po kayo malaman yung next. Thank you spookify readers!🤍

-ysc


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now