Lihim na Kulam

299 8 0
                                    

LIHIM NA KULAM

Naalala ko itong kwento na ito galing sa isang kaibigan dahil tunay nga na ako'y kinalibutan.

Ang kaibigan ko ay kasulukuyan na nakatira sa Marikina ngunit ang kanyang probinsya nya ay sa Samar. Itago nalang natin sya sa pangalang ""Benj"" Ilang taon na ang nakalipas ng mangyari ito pero buo pa sa alaala ko kung paano nya ito naikwento sa akin.

Nabanggit ni Benj na hindi maganda ang lagay ng kanyang ina. Nagsusuka ito, nahihilo at mataas ang lagnat kaya naman hindi sya mapakali sa trabaho. Halos magta-tatlong araw na raw kasi na may sakit ang kanyang ina kaya hindi sya mapalagay. Nahihirapan na ito kumilos sa bahay at hindi din makakain ng maayos. Nabanggit nya na ipapatingin nya ang kanyang ina sa doktor upang malaman ano ba talaga ang lagay nito at bakit tila parang hindi tumatalab ang mga gamot na binibigay nya.

Nung araw din na iyon ay nagpunta sila sa isang hospital sa Marikina kung saan agad naman naasikaso at napatingnan ang lagay ng kanyang ina. Chineck ang vital signs, pinakuhanan ng dugo at mga kinakailangan na lab test para malaman saan nga ba nagmumula ang iniinda ng kanyang ina.

Dumating ang mga sobre kung saan nakalagay ang mga resulta ng tests makalipas ang ilang oras na paghihintay sa ospital. Dito na nagtaka si Benj ng sabihin sakanya ng doctor na lahat ng resulta ng mga lab tests ay negative. Ibig sabihin, sa mata ng mga doctor, wala itong problema sa katawan. Ngunit, bakit hinang hina ang kanyang ina, namumutla at mataas ang lagnat?

Umuwi muna sila dala dala ang mga binili na gamot na nireseta ng doctor at nagpatuloy na din sya na pumasok sa trabaho habang ang mga kapatid nya naman na mas bata sakanya ang nagaalaga sa kanilang ina. Katulad ng mga napapanood natin sa TV, umabot ang ilang araw na hindi pa rin bumubuti ang lagay ng kanyang ina. Ang mahirap pa, parang mas lalo itong lumala.

Dahil halos anim na araw na at ganoon pa din ang sitwasyon ng kanyang ina ay nag desisyon si Benj na umuwi ng Samar at doon ay ipatingin ang kanyang ina sa isang albularyo. Pinauna nya ibyahe ang ina at kapatid nya para mauna na ang mga ito sa Samar. Nang makarating ang buong pamilya nila sa Samar ay agad namang nagpunta sa pinakasikat na albularyo ang mag-ina. Na-feature na ito sa isang movie noon at totoo nga na pinipilahan itong albularyo na ito.

Dito na nakita ng albularyo na may inggit ang kapit bahay nila sa Marikina sa kanyang ina. Sa tuwing gigising sa umaga ang kanyang ina para mag dilig ng halaman ay dinadasalan ito ng kapit bahay habang nakatingin sa labas ng bintana. Mga itim na dasal. May lihim daw ito na inggit kaya naman kahit anong bati ng kanyang ina sa babaeng ito ay hindi ito sumasagot. Palaging masama ang tingin neto pero hindi na lamang pinapansin ng ina ni Benj. Dito din nasaksihan ng albularyo na ang tunay na pakay ng babaeng ito ay unti unting pahirapan ang kanyang ina, bigyan ng malalang sakit hanggang sa ito ay unti unting mawalan ng buhay hanggang sa mamatay.

Binigyan ng dalawang option si Benj ng albularyo:

Una ay tatanggalin ang sakit sa kanyang ina at ibabalik ito sa nangungulam bilang ganti o pangalawa ay tatanggalin ang sakit sa kanyang ina at hindi nila gagalawin ang mangkukulam.

Dahil lumaking kristyano ang pamilya nila ay napagdesisyunan nila na piliin ang pangalawa. Ayaw nila makasakit ng kahit na sinong tao kaya naman nagpagaling muna ang kanyang ina ng isang linggo pa sa Samar bago sila lumipad pabalik ng Marikina. Makalipas naman ang tatlong araw ay naging maayos din ang kalagayan ng ina ni Benj.

Nakabalik na nga sila ng Marikina makalipas ang dalawang linggo sa Samar at dito ay napansin nila ang masangsang na amoy na nangagaling sa sa kabilang bahay. Dito na sila nagtaka kaya naman tumawag na sila ng mga otoridad para tignan kung anong meron sa bahay na iyon. Doon ay nasaksihan nila at nalaman na na tatlong araw ng patay sa bahay na iyon ang babaeng nangulam sa kaniyang ina. Hindi makapaniwala si Benj sa kanyang nasaksihan.

Hindi na nila inalam ang dahilan pero mula noon ay mas nag-ingat na sila sa mga kakausapin at makakasalamuha nila na tao.

Naniniwala din ba kayo sa kulam

Ey




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now