I SAW A SIGN 2DAYS BEFORE IT HAPPENED TO HIM

155 2 0
                                    

"I SAW A SIGN 2DAYS BEFORE IT HAPPENED TO HIM"

It happened to me last Dec. 29, 2020 around 10am in the morning. Since nag live'in kami nang fiance ko ang daily routine ko every morning is 6am gising na ako then nag lilinis na ako sa bakuran then after nag luluto na ako nang almusal kasi 8am ang in nang bf ko sa work pag umalis na yung bf ko ako naman is dapat nakaligo na then matutulog ako ulit bali gigisingin lang ako nang bf ko pag dating nya kasi umuuwi sya nang lunch sabay kami kakain.

One day natapos ko na lahat then nang household chores then nakaalis na yung bf ko, tapos na din ako maligo nun then naka idlip ako sa kwarto. Nag sleep paralysis ako that time, pinilit ko talaga na gisingin sarili ko pero di ko magawa, narinig ko yung motor nang boyfriend ko na dumating then pumasok sa kwrto hinintay ko sya na gisingin ako or yugyugin pero di nya ginawa, instead nakatayo lang sya sa harapan ko teary eyed na nakatingin sa akin. Pinilit ko nalang na gisingin sarili ko tapos nagawa ko din na magising. Pero pagka mulat ko wala yung bf ko 10am pa pala wala rin ang motor nya.  Kinwento ko sa kanya pag uwi nya sa gabi ang nangyari pero ang sabi nya lang ay 'wag ka kasi matutulog nang basa ang buhok mo".

2days after. Newyears eve namatay yung boyfriend ko vehicular accident. Di ako makapaniwala sa mga nangyari sakin that time kasi sabay ko pa sya sumalubong nang bagong taon but in just 10 mins after our celebration he died.
During his wake he always visit me in my dreams, he always cried in my dreams pag gising ko puno ndin nang luha mga mata ko. There was a scenario din sa dreams ko like nandoon sya sa kabaong then bumangon sya pumunta sya sakin humihingi nang patawad. Pa balik² lang yun na scenario sa dreams ko until i already know bakit ganun. Before his burial nalaman ko kung bakit ganun sya humingi nang tawad sa akin sa dreams ko and i forgave him for his peace. Even in my heart there still  pain and a lot of questions but inilibing ko nalang sa limot. 

Almost 3yrs but still the memories of us still remains in my heart. 

Thankyou for reading. Godbless.

" I SAW A SIGN 2DAYS BEFORE IT HAPPENED TO HIM"

Part 2

Part 1 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02JRDcGwEF6T1HmcYpqHLep6WH4DzMg9BoEEWhN9CMNR6kCLdXHAgtAYPPSRTLE8m5l&id=100064594545997&mibextid=Nif5oz

Hello admin.  Since marami yung nag request nang part2 nang story ko ang nang boyfriend ko eto na po.  Sorry po sa mga na bitin.

During his wake parati sya nasa panaginip yun umiiyak humihingi nang tawad until i found out the reason sa last lamay nya. I woke up that morning umupo tiningnan ko muna sya sa coffin nya then after umupo na ako sa harapan nya.  Nag scroll² lang ako nun sa facebook kasi yung pagkamatay nang boyfriend ko nun is nag viral sya kasi newyear nang yari, btw I'm from davao po. Then yun nag babasa lang ako nang comment sa news nun na nagbalita sa nangyari and then nag notify yung account nang boyfriend ko sa messenger ko ganito yung nag notify nun ""**** has 99conversation* then accidentally na click ko. I don't know his password pero parang may gusto sa part sakin na eh open yung account nya.  Guess what? 1st try ko lang nag lagay nung password nag open agad sya. Birthday nya lang yung password nya.   So yun na open ko as usual puro condolences yung messages nag scroll² lang ako di ko then there's one message na nag caught sa attention ko kasi yung last message nya dun is ""kuya bat mo ko iniwan paano na ko ngayon😭😭😭""  kaya i open her message. I read all of their conversation and yun nalaman ko he cheated on me worst of all is friend ko pa yung girl.  While reading the conversation yung luha ko hindi tumitigil sa pag tulo. May nabasa pa ako nun na ""Sakit nang tuhod ko kagabi"" ""Nag hahanap ako nang pampunas nun kagabi"". Napakasakit nung mga nabasa ko pati yung pag sesex nila nabasa ko.

Umuwi ako sa bahay namin (sa bahay nang parents ko) hindi ako nagpaalam umalis ako nang parang wala akong pakealam sa lahat.  Pag uwi ko sa cr ko binuhos lahat² nang sakit.  Yung feeling na tanggap mo na na patay na sya but then may nalaman kang ganito bumalik lahat nang saki madaming questions ako nung time na yun. Tinago ko muna nung araw na yun ang sakit di ko magawa na sabihin sa parents ko or parents nya kasi ayaw ko na masama yung loob nila sa boyfriend ko pag ililibing na sya. I tried to comfort myself.

Kinabukasan inilibing na sya parang yumg time na nailibing na sya dun na lahat nang pain lumabas. Parati ako umiinom, every night din umiiyak. Yung alak nalang yumg pampatulog ko. May mga nanliligaw inentertain ko kasi nung time na yun what if eh try ko ma inlove sa iba baka mawala yung sakit.  Pero after 1month nang pag entertain wala talaga. Sa isip ko madami na nadamay sa pain na nararamdaman ko kaya tumigil ako.  I tried to love myself and to enjoy by myself. 

I admit til now di pa ako nakapag move on sa mga nangyari.  Pero i tried to open my heart this year and mag 9 months na kami nang boyfriend ko ngayon. Super sya mag alaga and this time seryoso na ako and we really loved each other.

I hope na satisfied ko na yung  mga naghahanap nang part 2. Thankyou so much sa pag read nang story namin and Thankyou admin. 

From Davao sender. Godbless us all.

JG


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now