Mga Kwento ni Devs

47 0 0
                                    

Mga Kwento ni Devs

So I recently discovered I share my love for horror with a new colleague. NagkaKwentuhan kasi abt that kid ghost in the office seemingly haunting the left-side restrooms of our floor.

Kwento ni Devs, one time nakitulog sya sa haus ng jowa nya. Nakatira sila sa Intramuros, Manila area so medyo old ancestral house ang peg. Mag-isa daw sya dun sa room ng BF nya kasi lumabas sandali si boylet para bumili ng food nila at wlang naluto. Wla kasi ibang family members, nasa work or school yng mga kapamilya...Sila naman naiwan sa bahay kasi nagrereview for their law school exams.

Bigla daw sya naalimpungatan na parang may ibang kasama sya sa room. Malaki yng bed ni BF, wide enough for more than 2 people, so parang queen o king-size. From nakatihaya, nag-side sya at humarap dun sa space ni BF dpat...May dark shadow daw na nakatabi sa kanya! All black, full figure na size ng tao, pero wlang mukha kaht eyes or teeth. Nakatingin sa kanya from a Cleopatra-position facing her. As in takatitig daw at parang binabantayan sya. Malabo kasi mata ni Devs, hindi nya suot eyeglasses so akala nya si BF lng. Pero alam nyang umalis nga si Jowa. Nagblink pa daw sya at bka nananaginip sya or namamalik-mata lng...pero dahil sobrang puyat at antok, tumalikod na lng daw sya at natulog uli. NaRealize lng daw nya yng implications nung nakwento nya sa BF nya pagbalik.

Minsan naman daw, umuwi sya sa family home nila. Isa itong apartment na inupahan nila habang nagrerenovate sa original family house nila. Everybody was home, parents nya at mga kapatid, at most of them tulog na. Naiwan daw sila ng older sister nya na nanunuod ng late night movie sa sala. Bigla daw bumaba ng hagdan yng brother nila sa stairs, naka-pajama na pero dirediretso sa pinto at lumabas. Tumingin pa daw sa kanila at ngumiti ng parang weird. Nagtaka daw sila bakit umalis ng nakaPajama...kaht bibili pa ng midnight snack yun.

Umakyat daw si Devs sa room para kunin yng celfon charger nya. Nagulat sya nung nakita nyang nandun at himbing na himbing natutulog yng brother nila. Dali2x daw sya bumaba at sinabi dun sa sister nya. Sabay sila umakyat uli at chineck yng brother nila, at hayun nga na tulog na tulog, pero suot din yng same pajama niya. Nagtataka silang bumaba uli at chineck yng front door -nakaLock din at naisip nila na wla silang narinig na nagbukas ng gate nila earlier, e maingay yng bakal usually.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now