Miscarriage Babies

127 5 0
                                    

MISCARRIAGE BABIES

kinuwento lang to ng kapatid ko sakin.
May friend kapatid ko na nakakakita ng mga hindi kabilang satin, pumunta siya sa inuupahan ni kuya.

Second floor, pag pasok ng main door bubungad sayo ang hagdan na nakatapat sa pinto ng banyo. kumbaga tapatan ang pintuan pero may hagdan lang. pagpasok ng friend nya napatingin sya sa hagdan ng matagal sabay upo sa sofa at nagtanong kay kuya,

F: ilan kayo dito?

K: tatlo, kasama jowa ko, bakit?

F: apat kayo, may batang nakaupo sa hagdan. nakatingin sakin pag pasok palang.

K: ha! dito na ba talaga siya? kasi nangungupahan lang kami dito.

F: (habang nakatitig sa hagdan) hindi, kamag anak mo siya! wala ka ba namatayan na pamangkin or mga bata na kamag anak?

K: ha? wala!

F: isipin mo kamag anak mo daw sya!

K:pero teka, tanda ko kasi nakunan mama ko pero ang tagal na nun. ilan taon na nga sumunod sakin.

F: ayan! actually dalawa sila, na sayo ang isa laging nakabantay simula nung mga bata pa kayo. kung san ka pupunta andun siya. at yung isa na sa kapatid mo binabantayan din kapatid mo!

K: dalawa nga sila, yun sana ang pang tatlo at pang apat na kapatid namen. inilibing sa gilid ng bahay yun pero pano e fetus yun?

F: lagi siya nagpapansin, kapag nagwowork ka. at jan lagi nakaupo sa hagdan. tinataboy nya yung mga espiritu na lumalapit sayo. sabihan mo kapatid mo mag alay kayo. ngayon, alam niyo na wag niyo hihilingin na makita sila kasi di niyo magugustuhan ang itsura.

bigla ako naiyak nung naikwento to sakin, kaya siguro laging may nakikita kapatid ko na bunso sa bahay namin ngayon. at lagi ako binabangungot na may batang nakasampa sa tiyan ko.

1998


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now