Lobo

95 1 0
                                    

"Lobo"

Typical na story na si Junjun sa mga BPO. Kaya ginagawa nalang naming biro minsan ng mga ka-teammates and friends ko around the industry.

This happened wayback 2022, isang taon nako sa kumpanyang pinapasukan ko that time, syempre sanay na sa pasikot sikot sa building. Hindi nadin masyadong takot sa mga kababalaghan na hindi ko naman naranasan at naririnig lang sa mga kwento. So here it goes,

Merong event sa company non, pero dahil malaking company kami, hindi lahat nakasali or nakanood. Meron mga nagko calls and may mga shift, unfortunately, isa kami sa mga maswerteng may shift. Nakakapanood lang kung break time and lunch. During lunch namin (which is an hour) nagdecide kami nung friend ko na manood nalang nung mga tumutugtog sa event at dun nalang maglunch (may free food na buffet style pero need mo magkaroon ng stub para makakain) Since it's a company event, hindi ka basta basta makakapasok, you need to be an employee para maka-attend dahil may ipapakita pa na id at stub invitation sa guard bago makapasok sa premises ng company.

While, my friend and I were getting food sa buffet table, may napansin akong bata na mga around 8-10 years old na may hawak na balloon sa crowd. Agaw pansin siya kasi yung balloon ay naka lutang, at of course, bawal ang bata sa event since it's a mix of inuman and alland hindi naman siguro sya employee, besides around 2am nayon, so unusual talaga sya for me. Sinabi ko sya sa kasama ko, wala naman daw syang napansin or nakita, baka daw namamalikmata lang ako or need ko matulog at baka inaantok lang. So, para hindi ako matakot at ayoko din talag takutin ang sarili ko, baka nga antok lang ang niregister ko sa utak ko about sa bata na may hawak na lobo.

Ff. For 30 mins lang kami nagtake ng lunch, and after non nagdecide na kami umakyat para umidlip nalang for another 30mins. Habang paakyat kami ng kaibigan ko, chikahan pa kami about sa food and the event, na bakit tumapat pa sa shift namin and all, ganun. Habang naglalakad kami on our way sa prod floor, parang mabigat na kako ang pakiramdam ko, at feeling ko may nakasunod samin. Alam niyo yung feeling na maiksi lang yung hallway pero parang di kayo gumagalaw sa kinatatayuan niyo? Ganun yung feeling ko that time. Nagdadasal na talaga ako na sana makarating na agad kami sa prod at nanlalambot na ang tuhod ko. Pumikit talaga ako mga dai bahala na kung madapa, narealized ko na mali pala yung pagpikit ko kasi pagkamulat ng mata ko, ilang hakbang nalang bago kami makarating sa turnstile papasok sa prod floor e nakita ko sya mga vebs, andun sya sa dulo ng turnstile na hawak parin ang lobo. Maputla, pero normal na itsura naman ng tao. Ang friend ko na walang kaalam alam kung bat ako naninigas na sa takot kaya kahit bawal e twice sya nag tap sa sensor ng turnstile para mag tailgate nalang ako dahil di daw talaga ako makagalaw mga vebs.

Pagdating ko sa loob ng floor, tinanong nyako anong nangyari kaya kinwento ko sakanya. Then narinig kami nung isang tenured agent, ang sabi niya marami na daw talagang nakakakita kay "Junjun" at nagpapakita raw ito pag nabubulabog. Siguro raw naingayan sa event sa baba kaya naghanap ng tahimik na lugar. Ang kwento pa ay dati palang school ang tinatayuan mismo ng company building namin at mas nakakatakot raw sa accomodation building dahil daw dun talaga mas maraming "bata" ang "nakikipaglaro".

#LTaPReal.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now