Anak 'wag kang sumama

80 1 0
                                    

“Anak ‘wag kang sumama”

Gusto ko lang i-share ang experience ko noong bata pa ako. Napag-usapan kasi namin ito ni Mama noong nakaraan kaya naisip ko rin na i-share ang creepy experience namin noong kabataan ko.

Dati kakalipat lang namin ng bahay sa Antipolo, nakakuha kasi sila Mama ng lupa, hindi siya kalakihan, pero sakto na sa aming pamilya. Noong mga panahon na ‘yon dalawa lang kami ni Mama sa bahay, si Ate nasa probinsya no’n, si Papa naman ay nasa ibang bansa, so dalawa lang kami ni Mama.

Apat na taong gulang ako no’n at ang bahay namin ay sinisimulan pa lamang na ipatayo, maalikabok pa dahil sa semento, kaya naman kami ni Mama ay lagi raw siyang naglilinis kapag matutulog na, since sementado naman na ang sahig no’n doon na kami natutulog. Wala kaming ibang tirahan no’n kundi roon lang, kaya naglalatag nalang kami, at isa sa dahilan ay ayaw din ni Mama iwan ang bahay.

Isang araw nagkasakit daw ako, kaya magdamag akong nakahiga sa bahay. Tapos sabi ni Mama magigising lang daw ako kapag naiinitan. Sobrang taas daw ng lagnat ko nung mga panahon na ‘yon, kaya nagulat si Mama na bigla raw akong bumangon.

Sabi ko raw no’n “Mama, niyayaya niya ako maglaro, sama raw ako sa kanya.” Tapos may tinuturo raw ako sa bandang kusina. Edi si Mama kinakabahan siya since dalawa lang kami sa bahay no’n, wala pa kami masiyadong kapitbahay no’n kaya sobrang kaba ni Mama. Kaya sabi niya sa’kin “Anak ‘wag kang sasama.” Todo pigil daw siya sa’kin no’n. Tapos tinatanong kung anong nakita ko, describe ko raw no’n dati batang babae rin, nakaputi raw at maiksi ang buhok.

Takot na takot si Mama no’n, kaya hindi niya ako basta basta iniiwan kasi baka mamaya raw ako ay bigla akong sumama or bigla akong kunin.

After that incident, nagpatawag agad si Mama ng Pari para ma-bless ang bahay kahit hindi pa siya tapos na gawin. Mas okay na raw ‘yon para mawala na raw ‘yung mga nakikita ko.

Nawala naman ang mga nakikita ko, maayos na rin ang bahay namin, kaya akala namin okay na. Hindi pa pala. Sa susunod ko nalang iki-kwento ang iba kong karanasan. Salamat sa pagbabasa.

Rara ✨




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now