Resort

108 5 0
                                    

RESORT

Hi‚ Good evening. I’m Chim. Idk kung paano ko simulan i-kwento lahat pero ito na nga.

Nag-work kami ng gf ko sa isang hotel & resort sa Silang Cavite‚ ang gf ko nga pala ay si Pelly. Stay in kami sa resort na ’yon dahil hindi maayos ang schedule ng trabaho namin kasi may mga korean na minsan hating gabi na nakakarating at makakapag-check in kaya kailangan naming asikasuhin. Unang gabi palang namin dito ay may na-encounter agad akong nakakakilabot pero itong ik-kwento ko ay ang karanasan ko sa gf ko. Ilang araw na kami sa resort na ’yon noon nang bigla kaming pinaghiwalay ng Villa para maglinis‚ siguro napapansin ng iba naming kasamahan na palagi nalang kami magkasama kaya pinaglinis ako sa Villa B at siya naman ay sa Villa C‚ mga bandang 2pm iyon. Iniwan ko siya sa Villa C na naghuhugas ng plato tapos pumunta na ako sa Villa B para maglinis na rin at maghugas ng plato. Habang naghuhugas ako ng plato nakikita ko ang reflection ko sa tiles sa gilid ko‚ hindi ko alam pero habang nandoon ako sa Villa B ay kinikilabutan ako kaya binibilisan ko ang paghuhugas ng plato pero nagulat ako kasi nung pag tingin ko ulit sa tiles ay nakita ko sa reflection na papunta sa akin ang gf ko. Sanay akong kinukurot niya ako sa braso kapag nilalapitan or kaya ay niyayakap niya ako pero nung time na ’yon ay nasa likod ko lang siya at nakatingin nang diretso sa akin. Hindi naman ako nagtaka nung una dahil minsan ay may pagka bugnutin ang gf ko kaya ang ginawa ko ay dinaldal ko siya at kinwentuhan ng mga random na kwento para magsalita na siya o kaya tumawa pero hindi nangyari iyon‚ nagulat ako kasi bigla nalang siyang tumalikod at umalis. Tinawag ko siya ng “Love! san ka punta? dito ka muna kung wala ka nang gagawin sa Villa C” pero hindi ako nilingon‚ hindi ko na siya nasundan dahil naghuhugas pa rin ako. Nagtaka rin ako non sa sarili ko dahil tuwing ganon ang gf ko ay sinusundan ko siya para yakapin pero noong time na ’yon ay parang may nagtulak sa akin na huwag nalang siyang sundan. Minadali ko ang paghuhugas para masuyo na siya at pagtapos ko ay bumalik kaagad ako sa Villa C kung saan naka-tokang maglinis ang gf ko. Nakita ko siyang naghuhugas ng plato‚ nasa isip ko pa non “Siguro naiinis ’to sa mga korean kasi kumain na naman at may huhugasan na naman siya” pumasok ako sa Villa C na naka-simangot at tumingin sakanya pero ang salubong niya sa akin ay “Ano nangyari? Bakit ka naka-simangot?” sabi ko naman agad ay “Paanong hindi sisimangot e hindi ka namamansin parang baliw” nakita ko agad sa mukha niya ang pagtataka at sabay sabing “Ha? Kailan kita hindi pinansin?” sabi ko naman ay “Kanina sa Villa B‚ diba? Tinalikuran mo ako e wala naman akong kasalanan” biglang tumayo balahibo ko sa narinig kong sabi niya “Ano? Hindi naman ako umaalis dito mula kaninang pumunta ka sa Villa B‚ kanina pa ako naghuhugas. Andaming hugasin oh” tapos tinanong pa namin iba naming kasamahan kung nakita ba nilang pumunta si Pelly sa Villa B at ang sabi ay hindi naman daw kasi nga busy siya maglinis sa Villa C. Sobrang kilabot ko non dahil alam ko sa sarili kong kamukhang kamukha ng gf ko ang pumunta sa likod ko at tinignan ako ng halos nasa limang minuto. Hindi ako namamalikmata dahil nga kinakausap ko pa ito dahil ang akala ko siya ang gf ko. Nang i-kwento namin iyon sa mga kasamahan namin ay parang hindi na sila nagulat dahil may mga nagpaparamdam na talaga sa resort na iyon. Simula non palagi na kami nagpapasama sa isang kasamahan namin na close namin at madaldal para less takot pag napupunta kami sa mga Villa. At simula non ay binibilisan nalang namin ang mga trabaho namin para maagang matapos at hindi na makapag-stay nang matagal sa Villa.

ps: madami pa kaming creepy experience sa resort na ’yon nung nandoon pa kami‚ ik-kwento ko ulit dito pag na-post na ’tong unang kwento ko.




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now