Papa

334 8 0
                                    

PAPA

Hello admin sana maipost silent readers ako dito since 2018

Way back 2021 kasagsagan ng covid. Isa ang pamilya namin na nakaranas ng covid, Ako ang unang tinamaan ng covid sa among pamilya ilang araw ako naka experience ng symptoms na akala ko normal lang kaya isinawalang bahala ko nalang pero nung umubo ako na may kasamang dugo ay don nako nakapag pasya na mag quarantine sa kabilang bahay para na din hindi na maexpose sa magulang at mga kapatid ko. Kinabukasan nag pa schedule ako ng RT PCR test which is inabot din ng almost 2 days bago lumabas ang result nung lumabas na nga ang result at positive nga talaga ako sa covid at agad agad pati ang mga nasa bahay ay nag quarantine na din. Lumipas ang dalawang araw si papa sinugod sa ospital dahil nahihirapan na huminga. Tumagal sya ng isang araw sa ospital na hindi man lang nakaka pasok sa emergency room dahil sa punoan. Kinagabihan inatake si papa sa puso at namatay dahil na din sa madaming organ na nya ang hindi makapag function ng maayos by the way may sakit din si papa na diabetes at naputolan na ng paa kaya mahina na talaga ang katawan. Nung gabi na namatay ang papa wala sa pamilya ko ang nag inform na patay na ang papa nung gabi din na yon grabe ang paramdam nya sakin na tipong nagpapaalam na animoy may may kasama ako sa bahay na gumagalaw ang ibang gamit sa bahay, bago matulog nag dasal ako habang nag dadasal ako tila ba may nagbabaksan gamit kaya sinamahan ko ng bible verse ang dasal ko at nawala din naman yung paramdam na yon hanggang sa makatulog na nga ako mga ilang oras tumawag ang girlfriend ko at sinabing nasa labas nga ng bahay ang kuya ko kanina pa kumakatok pag buksan ko daw bago ako bumaba ng first floor ay sinilip ko muna sa 3rd floor kung may tao nga sa baba at nakita ko nga ang kuya na naka upo sa gater ng kalsada katabi si papa na naka upo sa whellchair (naka harap sa gate ng bahay) hindi kita ang mukha tanging ulo at likod lang ang nakikita ko kay papa mula sa taas dali dali akong bumaba at pinagbuksan ang kuya ng pinto pero nawala sa isip ko ang nakita ko kaya bumalik ako agad ng kwarto na hindi kinakausap si kuya .kinabukasan pagka gising ay minessage ko ang mama kung nakauwi naba si papa ngunit sinabi lang nito na quarantine ang papa ng 15 days dahil positive din ito kinatanghalian dumating ang girlfriend ko sa bahay na pinag-qquatatin-an ko nag taka ako at nagalit bakit pa sya pumunta pinapunta pala sya ng pinsan ko para alalayan ako maya maya pa tumawag ang pinsan ko at sinabi nga na WALA NA ANG PAPA. Nabigla ako sa narinig at humagolgol sa iyak gusto kong lumabas para puntahan si papa pero naka abang na sa pinto ng kwarto ang kuya para alamin ang sitwasyon ko after ko malaman ang balita. tinanong ko ang kuya na diba kasama mo na si papa kagabi nung umuwi ka pero ang tugon nito na hindi nya kasama dahil nga sa patay na ito at wheelchair nalang ang inuwi nya pero bago daw Ito kumatok ng bahay ay tinago nya muna sa garahe ang wheelchair sinabi ko sa kanya ang mga scenario na nakita ko nung gabing iyon at sinabi nga nya ay nakaupo nga sya sa gater pero hindi na nya kasama ang wheelchair. mula nga ng malaman ko na patay na ang papa gabi gabi na nga akong nananginip sa kanya minsan nga sa panaginip ko ay inaaya ako ng demonyo na pasokin ko daw ang ang pintoang apoy  para makasama ko ang papa pero tumutugon din naman ang papa at sinasabi sa panaginip ko na tanggapin na ang nangyari.

-Paboritong anak ni papa




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now