Uninvited Guests

106 1 0
                                    

⛤ Uninvited Guests ⛤

#Ltapreal

1) October 2017 — Mga ala-una ng umaga. Ako yung laging huling matulog sa amin. Naka-off ang ilaw ng kwarto ko, may harang na kurtina, then maliwanag sa labas, liwanag na mula sa kusina. Naka-kalahating bukas yung pinto ng kwarto din. Wala akong kama, yung kutson ay nasa sahig.

Patulog na ako sa kwarto ko nung mapansin ko na may babaeng nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.
Almost solid sya. Nakaharap sakin.
Naka-puti na t-shirt na may rainbow print, naka-pajama na may disenyo, at chubby ang pangangatawan na ang height ay nasa 5'4". Nakalaylay yung hairdo din, at since nasa likod nya yung liwanag ng ilaw mula sa kusina ay madilim yung parte ng mukha nya. Mga anim na segundo din nagtagal bago sya tuluyang nawala.

Kinabukasan ay nagtanong ako sa mga friends ko kung sino yung natulog nung gabi na yun na ganun ang attire, may tumugma naman at ipinakita pa sakin yung mismong t-shirt at itsura nung pajama.

2) December 2018 — Dun ako natulog sa kwarto ng kapatid ko. Natutulog lang ako dun dati kapag night shift sya sa trabaho, at dahil may AC dun.
Since dun sa kama ng kapatid ko na yun una akong nakaranas ng SP nung 2016, ay  nakagawian ko nang sa sahig matulog at may manipis lang na foam. Nakahigang-dapa ako nung natulog ako.

Then naalimpungatan ako na naramdaman ko na may sumisiksik sa likod ko at sa bandang batok.
Ramdam ko na may balahibo, buntot at korteng pwit ng aso. Dahil sa antok, hindi parin ako nabalikwas nyun para tingnan kung aso ba talaga yun? Huli kaming nagka-aso ay 2012 pa.
And 2009 naman yung huling alaga naming pusa. Naisip ko na baka nakauwi na yung kapatid ko at baka may dalang bagong alagang aso.
So bumalikwas ako ng higa para tingnan.

Tatayo na sana ako, nakita ko sa paanan ko ay may malaking aso. Naka-upo sya at kalahating metro lang mula sa paa ko. Mga 90% kulay puti sya at mga 10% lang yung panaka-nakang kulay grey bandang leeg. Nakatagilid sya, at nakaharap nang diretso sa pinto ng kwarto kung nasaan ako. Nagtaka ako kasi hindi sya gumagalaw at parang nakapako yung tingin nya sa pinto. Nakabukas yung pinto, may puting kurtina.

Then nagulat ako kasi may medyo dark na entity na matangkad, kalbo ang bahagyang sumilip mula sa labas ng pinto. Yung tipong sumilip lang sandali pero umatras agad nung nakita kung sino kaming nasa loob ng kwarto.
Tinitigan ko yung aso na nasa paanan ko. Parang habang tumatagal ay lalong pumuputi yung itsura nya, at yung mga tenga ay nakatayo lang. Naisip ko dun, aso ba ito, o wolf?

3) April 2022 — Mga 2am, sa sofa ako natulog sa salas. Bago ako tuluyang makatulog ay may boses matandang babae ang natawag sa pangalan ko.
Napilitan akong tanungin sya at ano ang kailangan.

Ibinigay nya yung pangalan nya at may pangalan ng babae syang binabanggit.
Then ipinakita nya sa isip ko yung itsura nya nung matandang babae, itsura ng lugar kung asan sya as makaluma yung mga bahay sa paligid.
Yung mga bintana ay yari sa capis, parang bahay ni Rizal ganyan, pero yari sa kahoy lahat. Ipinakita nya rin yung itsura nung babae na binabanggit nya.

Sa tatlong mga pangyayari na yan, nalaman ko na;

1. Yung babaeng naka-white shirt at naka-pajama ay ETHERIC DOUBLE nung friend kong babae na tiga-Lipa.

2. Yung akala ko aso ay wolf pala talaga, at spirit guide nung friend ko na dinalaw ako samin sa bahay.
Yung sumilip na entity naman sa kwarto ay yung bantay naman ng bahay na itinalaga ko na nalusutan. 🤣
Nalaman ko din na pwede pala tayong dalawin ng SG ng friends natin, lalo na kung close kayo ganyan, or pinagkakatiwalaan nila tayo.

3. Yung matandang babae ay spirit guide nung babaeng binanggit nya.

Yun lan po.
Salamat sa pagbabasa.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now