Parking Spot

64 1 0
                                    

Hindi ulit travel related..

Ngayon lang to nangyari mga 30mins ago..may parking spot kami sa tapat ng bahay.. Ngayon, merong kumag na nagpark sa spot ko, so mejo lumayo ako ng parking, sa tapat ng bakanteng lote. Ayokong ayoko na pumapark dun dahil:

una, mabigat ang pakiramdam ko dun.

Pangalawa, may kapre sa lupa na yun. Di ko pa sya nakikita pero amoy sunog na kahoy palagi dun kahit walang nag sisiga. Tska amoy sobrang baho na malansa.

Pangatlo, may mga ahas...baka pumasok sa ilalim ng sasakyan.

Nung nakaparada na ko naamoy ko na naman yung mabahong malansa na di maipaliwanag. Alam kong minamasdan ako nung kapre pero di ko pinapahalata, nakakakilabot, napaka baho. At again, wala akong makwentuhan ng mga ganitong bagay dahil magmumukha lang akong siraulo sa tingin ng ibang tao. Pero ramdam na ramdam ko panlilisik ng mata nung kapre sakin. .

May napag tanungan na ko dito na kapitbahay dati mula nung naconfirm ko na may kapre dun, some 6-7yrs ago may nabaliw daw na babae na nakatira sa tapat nung bakanteng lote. Sabi nung kapitbahay kinuha daw ng kapre yung babae. At yung naiwan na baliw eh vessel nalang kumbaga.

Wag naman sanang umabot sa punto na umabot dito sa bahay ng gf ko ang trip nung kapre. Aaminin kong hindi pa ganun kalawak ang experience ko at pilit ko nga iniiwasan na pakialaman ang 'kabilang dimensyon'. Wala akong resbak, patay na tatay ko, mas sanay yun na lumaban sa mga ganyan. Ang iniwan nya lang sakin e librito (booklet) ng mga dasal na latin na di ko naman alam ibig sabihin. At kung aabot man sa punto na kinatatakutan ko, bahala na si Lord pero laban na to.



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now