Kwentong Ukay

83 3 0
                                    

Kwentong Ukay na naman tayo

Before pandemic pa ito nangyari. December din yon at magkabilaan ang mga party. So ako dahil matipid ay pinuntahan agad yung maliit na Ukay shop na nirecommend nung ksama ko kasi meron daw dun black laced dress na bagay na bagay sa petite figure ko at 100 pesos lang. Sinukat ko yung dress at maganda nga, saktong sakto sa akin kaya binili ko na kaagad. Pag-uwi ko binabad at nilabhan ko kaagad as usual. Sinampay ko sya sa bodega namin sa may door mismo, di ko na inilabas ng bahay kako baka pagdiskitahan pa at manakaw. yung door ng bodega namin is iniiwanan lang talaga naming bukas kasi connected sya sa kusina namin. So kung dadaan ka sa kusina is kita kaagad yung sinampay kong dress. Nung natulog ako, hindi ko alam kung binangungot ba ako kasi sa panaginip ko lumabas daw ako ng kwarto namin para mag cr, pagkalabas ko ng kwarto nakita ko may nakatayong babae dun sa bukas na pinto ng bodega namin. Suot nya yung black dress na kanina nakasampay. Wala namang dugo yung mukha nya or anything pero ang creepy lang is nkangiti sya sakin at hindi ko malilimutan yung mukha nya. Chinese yung beauty nya maputi, payat tulad ko then maiksi ang buhok nya. Nung naalimpungatan ako alas 2 ng madaling araw. Yan yung mga oras na nagigising ako at nakakasense ng may "something" at pag lumalakas ang Esp ko. Kinaumagahan, sinoli ko yung dress at di ko na kinuha yung binayad ko.

#Ltapreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now