Bantay

138 3 0
                                    

BANTAY

Year 2016, nalipat kami sa isang bahay na pina upahan nalang sa amin dahil wala pa iyong anak ng may ari na titira doon. Old house, walang pintura, malaki bakuran at may dalawang kwarto. Sa isang kwarto ay ako at ang lola ko pero dahil sa salas ang t.v namin doon sila natutulog nila mama ko.

One time habang naka higa ako, Siguro mga 8pm na din nun. Off ang ilaw pero bukas ang pintuan ko kaya liwanag galing sa salas ang naging ilaw ko sa kwarto. So naka harap ako nun sa pader, which is katapat ng pintuan yung cabinet ko kung galing ka sa labas gilid ng cabinet yung matatanaw mo. So yung anino ng cabinet ko ay nakikita ko sa pader dahil nga madilim.

Nagulat ako nun dahil habang nag scroll ako sa cp ko, may nakita akong batang lalake na lumabas galing don sa cabinet. As in kitang kita ko galing sya sa loob! Nag patay malisya ako at pumikit nagdasal ako hanggang makatulugan ko. Makalipas yung ilang araw nag kwento naman yung lola ko, That day tumabi sya sa akin matulog e. Nagising daw sya madaling araw dahil pakiramdam nya may nakatingin sakanya pagka kita daw nya may batang lalake sa paanan namin tapos kinausap pa daw nya kasi akala nya yung bunsong kapatid ko. Tinitigan daw ng lola ko hanggang sa narealize nya na wala itong mukha.

Year 2020, lumipat na kami ulit this time apartment na talaga sya. 6 na butas, ayos naman wala kahit anong kababalaghan not until makaramdam na naman si lola ko.

Si nanay  kasi sa tumba tumba lang natutulog wala kasi kwarto yung nalipatan namin. One time madaling araw din nagising si nanay kasi ganun na naman may nakatingin na naman sakanya pagkita daw nya may batang lalake sa paanan nya naka harap daw skanya pero walang mukha malabo. Hindi na daw nya maitago yung takot nya kaya binalak nya mag kumot pero yung kumot daw nya biglang nahila pababa. Palagay namin ay sinundan pa din kami nung bata.

ISAY*



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now