KABABATA SABAY LUMAKI PAREHONG BINUBULLY

281 4 0
                                    

"KABABATA SABAY LUMAKI PAREHONG BINUBULLY" 

Hellow sa mga readers
Share ko lang yung kwento ng pinsan ko.

About ito sa kaibigan ko at pinsan ko parehas kame tatlo na lalaki at pasaway na mga bata, tropa kame tatlo sa sobrang close namin halos buong hapon kame mag kakasama, dahil nalang sa lagi kame tatlo pinag titripan ng mga bata na a head sa amin sa edad at sa liit naming tatlo kaya bumuo kame ng sarili namin tropa.

Sa edad na 12 years old nag pasya ang nanay ko na kuhain ako sa province namin para sa manila mag aral nalang, naiwan ko sila ng ilang taon walang balita at usap usap, pinsan ko at si jefferson nalang ang palagi nag uusap dahil sa umidad nadin kame nag kanya kanya nadin siguro yung dalawa ng landas, ang pinsan ko hindi na ito nag aral samantalang si jefferson tumuloy ito ng highschool sa bayan,

Araw na ng fiesta sa province namin madame kasiyahan at pagkain duon.

Madame nakapag sabe na nuong araw nadin yun sa bayan ay si jefferson ay nakisayaw pa ito sa fiestahan at nakihalubilo pa sa misa ng simbahan at nag bless pa kay father naka uniform ito at mukhang galing pa itong school kasama mga kaklase nito.

Pag uwi daw nito ng bahay agad daw ito nag palot ng pambahay na damit dahil babalik daw ito sa bayab para makisayaw hapon nito pag tawid daw nito sa kalsada bigla itong bumagsak nahirapan daw ito himinga ang sabe ng nanay nito inataki daw ito sa puso kahit ito ay bata pa.

Totoo lang alam namin na kakaiba syang bata dahil yung dibdib nya ay sobra itong nakaangat at hirap din ito huminga nunga araw na nag lalaro pa kame,.

Namatay sya ng hapon.

Ang kwento ng pinsan ko nung hapon lang din na iyon, yung pinsan ko ay nangunguha ng pili sa likod bahay nila jefferson.

Ang bahay nila jefferson ay malaki sa likod bahay nito ay my puno ng mga nyog at pili.

Habang nangunguha daw ito ng pili bigla daw si jefferson lumabas sa kung saan bigla nalang daw ito sumulpot.

Ang sabe ng pinsan ko kinausap daw sya nito at itinuro kung saan madame bumabagsak na pili.

Agad naman ito pinuntahan ng pinsan ko yung tinurong spot ni jefferson kung saan madame pili, pag lingon nito ay wala na daw ito kaya umuwi na sya,

Kwinento nya ito sakanyang panganay na ate at ang sabe nito na patay na si jefferson ilang oras ng nakalipas.

Hindi ito alam ng pinsan ko na patay na dahil nasa bukid ito buong hapon dahil sa trabaho sa palayan. 

Diniscribe nito ang itsura ni jefferson nung nakita nya normal naman daw ito naka ngiti sakanya at nakasando na palagi nyang suot.

Naisip ng pinsan ko na baka ayun na daw yung huling kita nila at huling usap.

Dgeng

#spookifyph



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now