Ancestral House

56 1 0
                                    

Dahil madaming natakot sa nirepost kong latin nung isang gabi mag kkwento nalang ako 😅

Sa ancestral house namin sa pasig merong lumang bayong ang lola ko.

2015.. nag iinuman kaming magppinsan tapos napagtripan ni kuya Jay yung bayong kasi andun lang sa garahe. Sinuot nya sa ulo nya tapos tinuturo kami isa isa habang sinasabi "Gerilya, gerilya!" syempre hagalpakan ng tawa, mga lasing na e.

Kinabukasan nagkwento sya sakin, binangungot daw sya.. May napanaginipan daw syang mga lalaki, galit na galit daw sa kanya. Naka kamisa-chino na suot at mga duguan daw. Lumipas ang ilang gabi na puro ganun ang napapanaginipan nya. Namayat at nagkasakit ang pinsan ko dahil dun. Nag decide na sila tita na ipatawas si Kuya Jay.

Kaluluwa ang (mga) gumagambala sa pinsan ko. Sabi ng albularyo naghihiganti daw ang mga kaluluwa ng mga napatay na gerilya sa may suot ng bayong. Pinayuhan sila na sunugin ang bayong para mawala din ang mga kaluluwa na gumugulo sa pinsan ko.. Pag uwi, agad nilang sinunog ang bayong, ilang araw pa unti unti nang bumalik ang sigla ni Kuya Jay, nakakatulog na din sya ng payapa.

Inalam namin ang history nung bayong sa pinaka matandang tita namin na nasa US na..  Asawa daw ng kasambahay nila lola ang may ari ng bayong. Isang "Makapili" nung World war 2. Kung papano sya andun pa din sa bahay nung 2015 bago sunugin, hindi ko din alam. Pero ginagamit daw syang pamalengke ni lola noong nabubuhay pa.



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now