Mother and daughter

114 2 0
                                    

Mother and daughter

It happened when I was in 2nd yr college, around 2008 to 2009. Na hospitalized yung brother ko nun due to dengue. I was the one in-charged na mag bantay sknya the whole night sa hospital. Since wala gaanong naka confined, I was able to take a rest sa kabilang bed. Tandang tanda ko, up until this very moment yung panaginip ko.. Napaginipan ko yung mother ng classmate ko.. Nakatingin sa akin, malungkot yung mga mata nya at habang nakatingin ako sknya, kitang kita ko na umakyat sya sa isang napaka taas na hagdan na kulay puti, at sa pinaka tuktok nun, there's a beam of light.. As in sobrang liwanag...

Kinabukasan, I was shocked kasi nabalitaan ko na yung mother ng classmate ko ay namatay. I told my classmate and her father na naka panaginip ako ng ganun. We are all clueless kung bakit saakin nagpa kita yung mother nya through my dream. Few days after, napaginipan ko ulit yung mother ng classmate ko. Umiiyak. And this time, nakita ko din sa dream ko yung classmate ko ---- umiiyak din sya. (Just imagine, ganyan yung pwesto nilang mag ina. Yang si Nikki Gil, naka yuko sa lap ni Eula Valdez na umiiyak. Same with Eula na naka tingin kay Nikki habang yakap yakap sya at umiiyak din)

The next morning bago mag start ang klase, I told her about my dream. Then she cried. That's the time she told me na she is pregnant, and she wasn't able to tell her mom.. I don't know to interpret this dream.. But one thing is for sure, di man nya nasabi sa mama nya dito sa mundong ibabaw na magkakaron na sya ng apo, I know her mom is always there para tignan at gabayan sila ng anak nya..




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now