Double Deck

167 4 0
                                    

"Double Deck" 

This is my first time to share a story, It happened when my ate bought a double deck, second hand double deck. It means nagamit na siya, sa baba ako natutulog and yung kuya ko naman sa taas. Noong una, okay naman wala pa kong nararamdaman na kahit ano. Not until nagstart na lagi akong nassleep paralysis, there's a time na nananaginip ako na nakahiga ako and may umaakyat sa higaan ko. Alam niyo yung pakiramdam na bigat kapag may umaapak sa foam? ganon na ganon yung nararamdaman ko at ramdam na ramdam ko na may humahawak sa braso ko, akala ko sa panaginip ko is normal lang siya but habang tumatagal pabigat nang pabigat yung nararamdam ko. Nag try ako mag mulat ng mata, and yes namulat ko siya pero may pumipigil sakin na imulat yung mga mata ko pero kitang kita ko yung buong paligid as in pero wala akong nakikitang tao na nakapatong sakin, pero sobrang bigat niya. Ramdam na ramdam ko na hawak niya ko sa mga braso ko this time alam ko ng na ssleep paralysis ako nagpray lang ako and dun na ko nagising chineck ko yung phone ko and it's only 3am. Natakot na ko matulog ulit kaya aroung 6 am na ko natulog ulit.

Tanghaling tapat naman neto nung nangyari to, same place dun padin sa baba ng double deck ako natutulog, hindi pa lumalalim yung tulog ko nang masleep paralysis na naman ako, ang bigat na naman, sobrang bigat. Nakikita ko yung mama ko that time which is andon naman talaga siya, nagpray lang ako then dun na ko nagising. Madami pa kong experience na nasleep paralysis sa double deck na yun which is hindi ko naman nararanasan kapag sa ibang higaan ako natutulog, kaya I decided na ikwento sa mama ko nag worry siya nung sinabi kong may dumadagan sakin, as in dahan dahan yung nararamdaman ko, aware ako na paakyat siya sa double deck hanggang sa dumagan na siya sakin. Nung una nag pa usok kami, pero may nakakaexperience padin ako ng mga ganon, kaya binenta nalang nila yung double deck, after non hindi na ko nakakaranas ng sleep paralysis.

-Gie



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now