PRANK CALL GONE WRONG

1.4K 19 0
                                    

PRANK CALL GONE WRONG

Hi mga Ka-USF, since matagal na akong nagbabasa ng mga kwento dito sa page na to, here's my entry. Pasensya na kayo at hindi ako marunong magkwento. Sobrang tagal na nito pero until now talaga naaalala ko pa at never nabura sa utak ko.

Wayback 2008, nasa Calamba, Laguna ako non kasi nag-OJT ako sa isang company. May inupahan kaming apartment dun, dalawa ang kwarto niya, tapos ang isang kwarto kasya ang walo katao kasi double deck naman siya. 16 persons kami, 8 sa kabila at walo rin sa min. Wala naman kaming naramdamang kakaiba sa house kasi sama-sama kami at maiingay. Not until bumili kami ng sim card na Sun Cellular. Pantagal bagot naming, at halos lahat kami bumili non kasi may unli call to all networks yun dati.

Ayon na nga, Biyernes non, sakto mga around 4 pm day-off namin. Yung may day-off sa kabilang room is tatlo at lima naman kami sa kabila. Katatapos lang namin magmeryenda nang mapagpasyahan naming lahat na magsama-sama sa kwarto kasi manti-trip kami sa call. Ang posisyon naming magkakasama ay yung dalawa katapat ko lang since double deck nga, dalawa rin sa taas, tatlo kami sa kabilang deck, at isang KJ dun nasa labas pero nakikitawa.

Tatawagan o magcha-chamba kami ng mga numbers para kunwari may hahanaping tao, ganern. Sa una sobrang saya namin kasi lahat ng tinawagan sumasagot talaga. Hanggang sa ako na ang nag-dial ng number. Nag-ring siya, hanggang sa may sumagot pero hindi nagsasalita. Tapos, nag-hello ako, sa wakas ay nag-hello rin siya. Tinanong ko siya kung tagasaan siya, ang sagot niya secret. Ayaw niyang sabihin hanggang sa kinulit ko, pero ang tanging sinabi niya lang is "landmark", e hindi ko alam kung saang landmark yon.

Tinanong ko rin siya kung ilang taon na, ang sagot niya "10", tapos ang sinabi ko sa kanya "ikaw, kay bata bata mo pa, may pag-secret ka na, ha?" Yun, tapos naloka at nangilabot ako sa tawa niya. Yung tawa na parang humihigop ng hangin. Pero tuloy pa rin ako sa pakikipag-usap sa kanya, hanggang sa sinabi niya na "nasan si mama?" Sabi ko naman "Wala dito mama mo, bakit, nasaan ba siya?" Eto na sagot niya "Wag kang sinungaling! Wag mo kong niloloko, nakikita kita, katabi mo si mama!" sigaw niya sa kin.

Ang katabi ko nun is yung girlfriend ko. Natakot ako, di ako makapagsalita non, tumingin ako sa mga kasama kong nakikinig at napahinto sa tabi. Nagtaasan mga balahibo ko nun at feeling ko wala na akong lakas sa kaba. Nang mahimasmasan ako ay kinalabit ko yung girlfriend ko, sabi ko "Oy! Ikaw ata mama nito, hinahanap ka kasi katabi kita, ih!" biro ko nun, pero yung mga kasamahan ko namumutla na tapos mga nakatulala lang talaga.

Parang nag-sink in sa kin na nung sila ang may kausap ay di naman nila ni-loud speaker, kasi sinasabi na lang nila at natatawa na lang kasi kami sa way ng pakikipag-usap nila, tapos ikukwento nalang nila kung ano napag-usapan. Iisang phone lang gamit namin that time kasi iisa pa lang may load nun. Nagtataka ako kasi di naman naka-loud speaker yung cellphone pero dinig na dinig nilang lahat. Hanggang sa tinapat ko ulit tenga ko dun tapos sinabi kong "Hoy, bata! Tumigil ka na, hindi ka na nakakatuwa!" Pero eto ang sinagot niya sa kin,

“Alam mo ba, palagi kitang nakikita, palagi kitang sinusundan, nakikita mo ba ako?” hanggang sa tumawa siya nang tumawa na nakakakilabot tapos biglang umiyak, at dinig ko yung hangin sa kabilang linya.

Sa takot ko ay binal*bag ko yung cellphone, pero gulat at takot na takot kami na kahit naibalibag namin yung cellphone at nasa may sala na kami ay dinig na dinig namin yung boses ng bata na tumatawa. Yung kasama naming nasa taas ay di namin alam kung paano nakababa at sabay sabi niyang parang nasa loob lang daw ng kwarto yung nagsasalita. At yung isang kasama namin ay umiyak na kasi nga dahil sa takot. Ako naman di ko alam paano ako makakatulog kinagabihan.

Pagkatapos nun kinaumagahan, pumasok ako. Nalaman ko na sa ilalim daw pala ng station ko ay may umiiyak na babae at humihingi ng tul0ng. Di ko alam paano pa ako makakapagtrabaho nang maayos kasi nakikita ko yung silong ng station ko. Hanggang sa kinuwento ko na nga sa kanila yung about dun sa nakausap namin. Kaya binigyan ako ng rosary at nalaman ko rin na yung batang iyon ang birthday nung time na nag-prank call kami at sampung taong gulang na rin. Kaya ipinagdasal ko na lang.

About po sa sim card, pati po yung cellphone inilibing na namin. Katakot na, ih. Yun lamang po. Salamat sa pagbabasa. At ingat ingat sa unli call, ha?





📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now