Kausap

68 2 0
                                    

KAUSAP

A day before my best friend's wedding, nagpunta na kami sa venue para magprepare ng konti and duon na matulog. As his best man, isinabay niya ako sa sasakyan nila papunta dun. The venue was in Cavite, malapit na sa Tagaytay kaya napakalamig sa place. After having dinner in Tagaytay, bumili kami tig-two bottles of beer para may iniinom habang nagrereminisce ng kagaguhan namin nung grade school, high school, and college. Kasama namin yung bride niya, along with her brother and sister, nung umiinom kami sa labas. So ayun, kwentuhan, tawanan, etc. Medyo nabitin so bumili na kami kalahating case haha. Pagkabalik namin, naglilinis na ng kalat yung mga kapatid ni bride hanggang sa naiwan na lang kaming tatlo sa labas: ako, si bride, at si groom. Dun sa lugar kung saan kami umiinom, katabi yun ng guest house kung saan kami nagstay ni groom and family niya - then sa kabilang guest house naman ang family ni bride kung saan may sariling CR. Sadly, ang CR dun sa guest house kung saan kami nagstay ay nasa labas pa tas yun pa yung klase ng CR na hindi ka pwedeng maligo kasi wala namang shower, meron lang lababo saka bowl to do your business. Nung solb na mga bahay-alak naming tatlo, nagdecide na kami matulog kasi nga kasal na nila kinabukasan - that was 11:00PM. Hindi ako sanay matulog  na hindi naliligo, kahit puyat or pagod, basta maliligo ako bago matulog. Again, hindi ka makakaligo dun s CR na malapit sa guest house namin ni groom. 'Yung pagliliguan, mga 60 steps away from our room pa, eh ayoko naman katukin yung family ni bride kasi malalim na ang gabi baka natutulog na sila at ayoko namang sabihing "tao po, makikiligo po muna" hahaha. Hiwalay ang shower room ng babae at lalake. Dun sa dulo at magandang cubicle sa Men's shower room, merong gagamba na malaki kaya hindi ako dun naligo haha. Naligo ako dun sa bungad lang tas ang hina pa ng tubig. Nung naliligo na ko, may narinig ako sa labas na nagtatawanang mga babae. Akala ko, si bride at kapatid niya. Sumigaw pa ko: "Janna, matulog na kayo! Parang di ka ikakasal ah. Hahaha" Tas inisnob lang ako, na nakakapagtaka kasi bungad na cubicle lang naman ako. Nung nagbibihis na ko, may narinig uli akong tawa pero lalake na 'yung boses tas ang lalim nung boses nya. Alam kong hindi 'yun 'yung best friend ko kasi ang liit lang ng boses nung gagong yun hahaha. That time, alam kong tinatakot na talaga ko. Tas pagbukas ko ng cubicle, pucha yung gagamba dun sa dulong cubicle biglang palabas din HAHAHAHAHAHA. Mas natakot ako dun eh hayup 'yun kala ko kakagatin ako. Tas hindi ko na kinwento 'yun sa best friend ko kasi sobrang matatakutin 'yun. (Singit ko lang: nung retreat namin nung 4th yr high school, lumipat sya sa kama ko kasi natakot sya dun sa batang babae na nagpakita sa video ng kaklase namin. Legit yung video na yun, lahat ng batchmates namin nakita yun haha, but that's another story.) So ayun, kwentuhan uli kami habang sya nagpapatulong gumawa ng groom's message. Nung natapos na, sabi ko matutulog na ko kasi galing pa kong work nung umagang 'yun kaya more than 24 hrs na 'kong gising. Nanaginip ako nun. Dun sa panaginip ko, nagising daw ako ng 4AM tas nakita ko may nakatayong babae sa bintana, nasa loob sya at nakatalikod sa amin. Bigla siyang nagsalita at ang sabi niya "bumangon ka na" tas humarap sya saken at nakita ko 'yung mata nya na naninilaw pero pulang pula 'yung mga ugat sa mga mata niya at tumawa siya gaya nung tawa na narinig ko nung nagbibihis ako. Babae siya pero tawa ng lalaki na malalim ang boses. Bigla akong nagising, mag-5AM na. Lumabas ako, umihi, at nagyosi. Natawa ako kasi naalala ko 'yung Mang Jose. Dun ko narealize na hindi ko nga naaninag 'yung mukha niya kasi nakafocus ako sa lalim ng boses nya kahit babae siya. Tas bumalik na ko uli sa kwarto, humiga, at may naramdaman akong dumikit na paa sa binti ko - 'yung best friend ko pala na pababa sa kama nya kasi iihi siya haha. Yung hinigaan ko kasi kuston lang na malaki at malambot, kaya talagang aapak dun sa hinihigaan kok yung galing sa kama. Kala niyo multo pa rin noh? Haha.

So ayun, nairaos 'yung magarbo nilang kasal. Pauwi na kami, naiwan 'yung newly weds sa hotel tas sumabay ako sa mama ng best friend ko pauwi sa QC gamit uli yung same na sasakyan pero ibang driver na. Ang kasama ko dun sa sasakyan ay mama ni best friend, hipag ni best friend, at pamangkin ni best friend plus 'yung driver. Nung nasa byahe na kami, nagkukwentuhan pa kami nung hipag niya at binibigyan ko ng tips 'yung pamangkin kung paano kumanta. Then biglang tumahimik. Nagba-browse na lang ako sa phone kasi alam ko tulog na sila sa likod. Tas kausap ko na lang 'yung driver. Kinakausap ko siya kasi 'yun naman ang trabaho ng nasa passenger's seat, para hindi siya antukin haha. Tas masaya kwentuhan namin na hindi ko na matandaan kung ano, hanggang sa tumawa siya at same na tawa na narinig ko sa panaginip ko. Lumingon siya saken tas parehong mata 'yung meron siya, medyo madilaw na namumula 'yung mga ugat. Nagising ako. Panaginip pala 'yun, akala ko totoo. 'Yung usapan namin ni sir driver ay panaginip din pala. Nagtanong si kuya bakit daw ako nagulat at biglang nagising. Sabi ko na lang kunwari na napanaginipan kong nahulog ako sa kama, tas natawa siya. Nagtataka lang ako bakit at paanong sumunod sa akin 'yung entity na 'yun. Hindi naman sa natakot ako, nabwiset lang haha. Kaya nung nagising ako, hindi na ko natulog uli sa byahe at kinausap ko na lang si Sir Driver hanggang sa makarating kami sa paghahatiran saken.



📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now